Unexpected
"So, this is the house?" Megan broke the silence once we settled in front of it, standing for I don't know how long.
Memories were slowly coming back, that's what I'm feeling.
Napatango lang ako sa tanong niya. I can't think of the right words to describe what I'm seeing right now. All I know is, this is where it all started.
Dito ko nalaman ang totoong pagkatao ni Jade. But to describe the house in one word, I could only think of one – strange.
The house didn't have any windows in the front pero ngayon ay halos kasing-taas ng pinto ang mga bintana. It looks like someone lives there now because it changed a lot.
Si Megan na ang naglakad papalapit sa pinto. Kumatok ito ng ilang beses hanggang sa pinagbuksan kami ng isang lalake.
"Ano ho 'yon?" Asked by a middle-aged man.
"Hi, good afternoon po. Uh..." Napatingin sakin si Megan as if asking for my permission and when I nodded, she looked at the guy again. "May itatanong lang po sana kami, kung pwede lang po?"
Mas binuksan pa nito ang pinto hanggang sa makita na namin ang loob. Kung dati ay ni-isa wala itong laman, ngayon ay punung-puno na ang bahay ng mga materyales.
And now I'm starting to question myself kung ito ba talaga iyon.
"Tungkol saan ba hija?"
"Kasi po, may hinahanap kami" Simula nito. "Uh, dito po ba nakatira ngayon si Miss J-Jade Henares?"
"Sinong Jade?" Kunot-noong tanong ng lalake.
"Si Jade po, yung may-ari nitong bahay." Dagdag pa ni Megan.
"Pasensya na iha, wala akong kilalang Jade." Maang na sagot nito. "Bahay ko 'to kaya hindi ko alam ang sinasabi niyo." May halong inis na ang boses ng ginoo.
Napatingin sa akin si Megan. "Sir, kasi po nakapunta na ako dito dati, dinala ako ng k-kaibigan ko." I answered back.
"Kung nagawi ka na dito eh di sana nakita na kita dati pa. Baka naman hindi ito ang bahay na tinutukoy niyo."
Napatingin ulit ako sa kabuuan ng bahay. Hindi ako maaaring magkamali. Dito ako dinala ni Jade.
"Sir sigurado po akong ito 'yon." Then I found myself accusing someone. "Huwag na ho kayong mag maang-maangan. Alam ko pong kilala niyo si Jade. Bakit hindi niyo nalang sabihin sa amin ang totoo?!"
"Aba hija! Kayo na nga itong nambulabog sa pamamahay ko, kayo pa itong malakas ang loob na mag-akusa ng tao?! Wala akong kilalang Jade! Ngayon kong wala na kayong tanong umalis na kayo dito kung ayaw niyong ipakaladkad ko kayo sa mga pulis!"
"Pero ---"
"Shhh Althea halika na." Napahawak si Megan sa braso ko.
"Hindi!" Pagmamatigas ko. "Dito yun eh, hindi ako maaaring magkamali!"
"Yes I believe you pero Althea, wala tayong magagawa kung ayaw niyang magsalita." Paliwanag nito.
Napatingin ulit ako sa lalake. "Sir pwede ba kaming pumasok sa loob? May gusto lang akong ma-kumpirma, please po." I begged, maybe this is the only way.
"Sige" Tumango ito bilang pag-sang-ayon. "Bilisan niyo lang." Medyo nahimasmasan na ang galit nito sa amin.
Nang makaapak ang mga paa ko sa loob, bigla kong naalala ang nangyari sa amin noon.
YOU ARE READING
The Welsh Maiden
Romance"Everything I want will come to me at the perfect time. She's mine to keep. Only MINE." WARNING: This book explores themes about obsession, death, childhood trauma, depictions of violence, explicit sexual content, and other possible triggers. Reader...