Mystery Game
"Althea!"
"Althea you better come back here!"
"Althea!!!"
"A L T H E A!!!"
"AAAHHH!" Nagising ako sa isang puting silid. Tila hinihingal at pawis na pawis. Napaupo ako habang naghahabol pa rin ng hininga. What was that?!
"Miss?" Nag-aalalang sambit ng isang babae na nakasuot ng puting uniporme.
Patuloy sa pagpatak ang pawis ko sa buong katawan. I'm still breathing heavily and I have no idea kung parte pa ba ito ng panaginip o nasa mismong realidad na ang bumubungad sa akin ngayon.
"Miss okay ka lang?"
Inilibot ko ang mga mata sa apat na sulok ng silid.
"Nasan ako?!"
"Miss kumalma ka lang." Hinawakan nito ang nanlalamig kong mga kamay. "You're in the hospital. Dinala ka dito ng mag-asawang Eugenio, sumalpok po ang sasakyan ninyo sa poste..."
Patuloy sa pagsasalaysay ang babae habang ang sarili kong utak na mismo ang gumagawa ng paraan hanggang sa maalala ko ang lahat ng nangyari – ang pagtakas, ang pagtakbo, ang paggulong ko sa matirik na lugar hanggang sa tumama ang ulo ko sa bato, ang pagtawid sa kalsada, ang pag... ang baril... ang pagpatay sa inosenteng lalake...
"... kaya po idinala kayo dito sa ospital."
Paglingon sa akin ng babae ay napansin niya ang balisbis ng mga luha ko. I remembered everything now.
"Huwag na po kayong umiyak, ligtas na ho kayo." Pag-alo nito. "Papunta na rin po dito yung doktor para masuri ang sugat niyo sa ulo."
Sa sinabi niyang iyon ay napahawak ako sa ulo ko na ngayo'y nababalutan na ng puting tela. Bago pa man ako makapagsalita ulit ay biglang nagbukas ang pinto.
"Mabuti naman at nagising ka na. Are you feeling well o may masakit pa sa katawan mo?" Tanong ng babaeng doktor, halos kasing-edad lang ng tiyahin ko.
Napailing ako habang pilit na kinakalma ang sarili.
"What's your name hija?" Tanong niya habang nakatingin sa hawak na papel, malamang resulta iyon ng pagsusuri nila sa akin.
"A-Althea, Althea Guevarra."
Lumapit ito ng bahagya at mariing sinuri ang mga galos ko sa ulo't braso.
"Mabuti nalang at hindi malubha ang mga sugat na nakuha mo. You just need to rest Althea. It's really a great thing that you're wearing a seatbelt kasi kung hindi ay maaari kang makaranas ng diffuse axonal. Yung taong may ganung karamdaman ay pwedeng magkaroon ng brain impairments depende sa shearing ng utak na posibleng makuha right after the accident. Or worst, it can lead to death lalo na kung hindi kaagad naidala sa hospital." The doctor explained as if telling me that I should be lucky because I survived. Pero bakit hindi iyon ang nararamdaman ko?
"You're both lucky this time." Dagdag pa niya.
"B-Both?" Halos pabulong kong sambit pero narinig pa rin ng doktor.
"Yes, yung kasama mong babae? She's still inside the ER pero stable na ang lagay niya. Mamaya ililipat na namin siya dito."
Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko. Bakit parehong hospital pa ang binagsakan namin?
YOU ARE READING
The Welsh Maiden
Romance"Everything I want will come to me at the perfect time. She's mine to keep. Only MINE." WARNING: This book explores themes about obsession, death, childhood trauma, depictions of violence, explicit sexual content, and other possible triggers. Reader...