Belle
"Dude mahal ka pa nun." Ani Luna nang i-kuwento ko sa kanya ang pagkikita namin muli ni Kathleen.
Pasado alas otso na, nasa labas kami ng boarding house habang hawak-hawak ang tig-isang bote ng san mig light. Wala pa sina Abby at Paul kaya kami nina Sally at Luna ang naiwan. Sa labas ng bahay mayroong maliit na kubo na nakatayo. Sabi ni Luna dating tindahan daw ito ng tiyahin niya at dahil sa dami ng gastos kakapagamot ng asawa nito kaya nalugi at nagsara.
"Baka naman totoo ang sinasabi niya. Sino ba kasi yung girl na yun?" Tanong naman ni Sally. Hindi siya umiinom kaya siya ang taga-kain ng chicharong pulutan namin.
"Si Jade, na-meet ko lang siya kahapon. Siya yung naghatid sakin pauwi. Si Abby lang kasi ang nandito eh nasan ba kayo?" Tanong ko habang binabalatan ang hilaw na mangga.
"Umuwi nga kasi ako ng bahay diba? Wala na akong damit." Sagot ni Luna.
"Kasama ko si Paul kahapon, pumunta kami ng Rompeolas."
"Nag-stay din siya siguro mga ten minutes bago umuwi. Sayang hindi niyo na naabutan." Iniabot ko kay Luna ang nabalatan kong mangga.
"Kung sino man siya, maging thankful ka." Sabay kagat ng prutas na sinawsaw sa bagoong. "Kasi, kung hindi dahil sa kanya, hindi mo malalaman na head over heels pa yung ex mo sayo." Dagdag pa nito habang ngumunguya.
"Hindi ko siya ex." Pagkaklaro ko.
"Ok sige tawagin nalang natin siyang the unofficial girlfriend, yung point ko lang, hindi magre-react yun ng ganun kung wala nang nararamdaman sayo."
"Porket sinabing layuan niya yung girl ibig sabihin ba nun may feelings pa siya? Seriously Althea maybe Kathleen was right. You just met the girl yesterday and you don't really know her so why trust the girl?" Pagbibigay opinyon ng kababata ko.
"Sally familiar ka ba sa salitang selos? Sinabi lang yun ni Kathleen dahil nagseselos siya. Napaparanoid siya knowing na may ibang babae na si Althea." Tumataas na ang tono ng pananalita ni Luna.
"Sa tingin mo ba nagseselos siya?" Napatingin ako kay Luna.
"Dude obvious naman eh sa kuwento mo pa lang. Pero kung hindi ka pa talaga sure, try mong makipag-flirt sa iba, o kaya dun ulit sa babae, sino nga ba ulit yun, Jade? Oh yun, makipag-flirt ka ulit kay Jade sa harap niya mismo. Mas mabuti nang makipaglandian sa hindi kilala para madaling iwan." Sagot nito sabay tagay ng alak.
"Althea huwag kang makinig dyan. You're using an innocent girl just to make her jealous kawawa naman siya."
"Ikaw na nga ang nagsabi diba? Sabi mo hindi niya kilala so nasaan na yung linya mong why trust the girl eh pinagtatanggol mo na nga eh."
"I'm not defending her. My point is, mali ang manggamit ng tao para lang i-prove yang theory niyo."
"Stop it guys gets ko na. May point si Sally, mabuting tao si Jade kahit hindi ko pa siya lubos na kilala. Hindi matitiim ng konsensya kong manggamit ng iba para lang pagselosin ang isang taong hanggang kaibigan lang ang tingin sakin. She's not worth my time." Sabi ko sabay tagay ng alak.
Before the sembreak starts, given na sa mga estudyante na asikasuhin muna ang grades at clearance nila bago magpakasaya. Kung minsan nga nakakain pa nito ang oras para sa kaunting araw na bakasyon dahil nga hindi pa uso ang online enrollment sa unibersidad na pinapasukan ko, kaya kailangang habaan ang pasensya dahil expected na ang sobrang haba ng pila.
YOU ARE READING
The Welsh Maiden
Romansa"Everything I want will come to me at the perfect time. She's mine to keep. Only MINE." WARNING: This book explores themes about obsession, death, childhood trauma, depictions of violence, explicit sexual content, and other possible triggers. Reader...