The Blind Side
"Okay ka lang ba talaga Althea?" Tanong sa akin ni Sally habang inaabot ang isang tasa ng mainit na kape.
Bangungot. Isang bangungot ng nakaraan na pilit kong kinakalimutan. Umagang-umaga heto ako, balisa.
"Sally, natatandaan mo ba ang kababata natin noon?" Kung may isang tao man na makakaintindi sa sitwasyon ko ngayon, walang iba kundi si Sally.
"Sino? Si Kylie?"
Napalunok ako ng ilang beses sa pagbanggit niya ng pangalan nito.
"Althea? Napanaginipan mo ba si Kylie? Kaya ka ba nagkakaganyan?" Matiim akong tinitigan ni Sally. Oo alam niya na matagal nang patay ang kaibigan namin, pero hindi niya alam ang totoong nangyari. Walang ibang nakakaalam.
Pilit kong kinakalma ang sarili ko. Inilapag ko ang hawak na tasa sa mesa at napahinga ng malalim.
"H-hindi, kalimutan mo nalang ang sinabi ko." Pilit akong ngumiti sa kanya para makumbinsi siya na baguhin ang pinag-uusapan namin. "Nasan nga pala sina Luna at Abby?"
"Ah, ayun bumili ng pandesal sa kanto." Tumayo si Sally sa pagkakaupo at kumuha ng isa pang tasa. "Aalis ka ba ngayon?" Tanong niya habang binubuksan ang sachet ng nescafe 3 in 1.
"Oo mamaya, titignan ko kung nandun na yung prof. Gusto ko nang matapos yung clearance para makapag-bakasyon na." Naiingganyo ako sa amoy ng tinimplang kape ni Sally kaya napahigop din ako ng kapeng inabot niya.
"Good morning ladies." Bati ni Paul na kakagising lang. Kinukusot pa ang mga mata sabay hikab.
"Good morning babe." Bati naman ni Sally. "Sayo na 'tong kape ko, magtitimpla nalang ulit ako." Si Sally na sobrang maasikaso sa boyfriend niya.
"Salamat babe." Sagot naman ni Paul sabay halik sa pisngi nito na ikinamula naman ng kababata ko.
"Oy baka bumaha ng langgam dito." Pagbibiro ko sa dalawa.
"Althea maghanap ka rin kasi ng iyo." Ani Paul, siya ang malakas mang-asar sa akin bukod kay Luna.
"Hindi naman yan hinahanap eh, kusa yang dumarating." Makahulugang sagot ko sabay higop ulit ng kape.
Napatingin naman si Sally sa akin habang abala sa paghahalo ng panibagong timpla niya.
"Bes umagang-umaga humuhugot ka dyan ha, bakit may pumalit na ba kay Kathleen?"
Napasandal ako sa likod ng upuan. Naalala ko na naman ang pag-uusap namin kahapon. Bukod sa babala niyang layuan ko daw si Jade, bumabagabag pa rin sa isip ko ang pangalang sinambit ng boyfriend niya.
Imposibleng si Kathleen yun.
Si Kathleen Ysabelle Alcantara na lumaki sa ibang bansa at kung sakali mang siya ang batang babaeng kababata ko fourteen years ago, eh di sana sinabi niya sa akin nung una kaming nagkakilala.
Hindi, hindi siya si Belle.
"Earth to Althea!" Natauhan lang ako nang biglang magsalita si Paul. Nakaupo na rin si Sally sa harap ko.
"Penny for your thoughts?" Ani Sally at bago pa man ako makasagot ay biglang dumating sina Luna at Abby.
"Oh gising na pala kayo." Bungad ni Luna habang hinuhubad ang panlabas na tsinelas. Hawak-hawak niya ang dalawang plastic bag.
"Good morning girls and gentleman." Nakangiting bati ni Abby habang kinukuha kay Luna ang dala.
"Gentleman? Si Althea ba yun?" Natawa kami sa tanong ni Paul.
YOU ARE READING
The Welsh Maiden
Romance"Everything I want will come to me at the perfect time. She's mine to keep. Only MINE." WARNING: This book explores themes about obsession, death, childhood trauma, depictions of violence, explicit sexual content, and other possible triggers. Reader...