Case Closed
Pangalawang pagkakataon. Ito ang mayroon ako ngayon.
Sa loob ng isang buwan, naayos kong muli ang mga pagkakamali ko. I was given a chance to redeem my scholarship next school year. Magte-take rin ako ng summer class this year para makahabol sa mga pagkukulang ko sa klase. Salamat sa kaibigan kong si Luna dahil kahit papaano ay naibangon kong muli ang pagkakalugmok sa pag-aaral. She will graduate this year, nakapasa siya sa deliberation at pasok din siya sa top ten best thesis. Nakakamangha, sana sa susunod na taon ay ganoon din ako. How I wish wala nang manggugulo.
Aaminin kong medyo nahirapan akong lumabas at gumala. Siguro hindi tataas sa dalawampu't kilometro ang mailalayo ko mula sa tahanan namin. Dala ng mga nangyari sakin, mas lalo akong naging maingat at mapag-matyag sa paligid as if danger might happen any moment.
Isa lang ang problema ko ngayon, hindi pumayag si tita na lumipat sa ibang hospital. She chose to stay. Malaki daw ang utang na loob namin sa mga Henares kaya hindi niya magawang umalis. Gusto kong sabihin sa kanya ang totoo pero agad naman niya akong pinuputol at akmang sasabihin na itigil ko na ang pang-lalait sa pamilya nila, na wala daw akong utang na loob.
If only I knew, hindi ko na sana tinanggap ang pera galing kay tita dahil alam kong galing mismo iyon kay Jade.
But enough about her, she's gone already.
Tama si Luna, I should forget the past kasi kung babalikan ko pa, parang ang lagay ay ako na mismo ang naghahanap sa kanya, ako na mismo ang nagpapahamak sa sarili ko.
Bukod kay Luna ay nariyan din si Megan na paminsan-minsang dumadalaw sa bahay. Alam na niya kung saan ako nakatira dahil sa paghatid niya sa akin noon. Nakilala na rin niya si tita at ang kaibigan kong si Luna. Minsan lumalabas kaming tatlo at doon ko lang nakakalimutan ang lahat.
Being with my friends makes me forget all the things that had happened. I know it was traumatic, pero paunti-unti kong nilalabanan iyon hanggang sa maging malakas na muli ang loob ko.
"Dad I'm with my friends." Sabay tingin sa amin ni Megan. "Si Luna at si Althea po."
"Nice to meet you po sir." Sabay pa kami ng kaibigan ko. We're inside the Rojas' humble abode and for the first time, we met Megan's father. Kitang-kita sa tindig palang nito ay may kataasan na ang posisyon sa lipunan. Medyo nakaramdam ako ng takot dahil sa pagka-seryoso at ang pagka-strikto ng mukha nito.
"Magandang hapon sa inyo." Bati niya sa amin.
Naka-upo na kami sa may living area habang si Megan ay nagpalit muna ng damit.
Their house is huge, sa isang tingin palang ay makukuha mo agad na galing sila sa isang marangyang pamilya. Sa mga naglalakihang chandelier at palamuti sa bahay ay pansin mo na agad ang gara nito.
Napansin ko naman na napaupo din si Mr. Rojas malapit sa amin kaya natahimik kami ni Luna.
"Ikaw ba si Althea?" Kunot-noong tanong nito sakin.
Napalunok ako at tumango. Nakakatakot kasi ang boses niya.
"Kumusta ka na ngayon? Nai-kuwento kasi sa akin ng anak ko ang nangyari sayo." Dagdag pa nito at mariin akong tinitigan.
"Uh, maayos naman po." Matipid na sagot ko. I don't know how to start a conversation with him knowing that he's currently the head of NBI.
"We've conducted an investigation on that place, nakaw na kotse ang sinakyan mo."
YOU ARE READING
The Welsh Maiden
Romance"Everything I want will come to me at the perfect time. She's mine to keep. Only MINE." WARNING: This book explores themes about obsession, death, childhood trauma, depictions of violence, explicit sexual content, and other possible triggers. Reader...