Kabanata 31

25.6K 1K 226
                                    

Be With You


Marriage is not part of the plan. Sapat na ang batang dinadala ni Jade para panindigan ang responsibilidad na nakaatang sa'kin. But I guess I also want to prove Jade that I am true to my word. I want to prove that I'm not scared of commitment and marriage.

Naging komplikado man ang sitwasyon pero kahit anong mangyari, hindi ko siya susukuan. Gusto kong paniwalaan niya na kaya ko siyang panindigan.

Even without the pledge, I was already committed to Jade.



"What did you say?" Bakas sa mukha niya ang pinaghalong gulat at pagkamangha.

"Marry me Jade" Pag-uulit ko habang nanatili kaming nakahiga sa kama. "From now on, I promise to take care of you."

She didn't answer.

Nabigla ko ba siya?

Or maybe she's not ready yet?

"I-I'm sorry, uh..." Napakamot ako ng sintido. "...k-kung nabigla kita, pag-isipan m---"

"Yes." Umangat ang tingin niya at doon ko lang napansin ang maluha-luha nitong mata. "I want to marry you Althea... even if you don't ask." And then she kiss me full on the lips.

Napangiti ako sa sinabi niya. I am so lucky of having Jade around. Ramdam ko talaga ang pagmamahal niya sa'kin.

After the revelation about her past, mas lalo ko siyang naintindihan. Masalimuot ang mga napagdaanan niya noong musmos pa lang kaya hindi ko rin masisi kung ba't ganito ang naging asal ni Jade. It was depressing. Ayoko na ulit maramdaman pa niya ulit 'yon.

Ngayon, ang tanging alam ko lang ay kung paano ko siya matutulungan.

+++

Alas siyete na ng gabi nang makauwi si tita galing ospital. Mayroon daw kasing sunud-sunod na operasyon at kinailangan siya doon. Sabi ko naman sa kanya na okay lang dahil isinama ko si Jade sa boarding house.

"Hindi ba delikado yun anak?" Pag-aalala niya habang nilalagay paisa-isa ang mga pinamiling prutas sa mesa. "Makaka-sama kay Jade ang pagba-biyahe." Dagdag pa nito.

"Alam ko ho, pero tita maayos naman po si Jade. Nagpatingin na rin kami sa doktor at maayos naman ang kalagayan ng bata." Tinulungan ko na rin siya sa pag-aayos ng mga pinamili.

"Ang alam ko naghihintay ang mommy niya sa ospital. Baka magalit yun sayo kapag nalaman na nagpapa-konsulta si Jade sa iba." Kumuha ito ng malamig na tubig sa fridge at isinalin sa baso.

Napaupo naman ako sa silya habang binabalatan ang suha. "Malinaw naman ho ang sinabi ko na ako ang gagastos sa lahat. Pumayag naman po sila diba?"

Tumango si tita. "Alam ko anak, pero mag-iingat pa rin tayo. Kargo na natin si Jade ngayon at kailangan natin siyang alagaan ng mabuti."

Napangiti ako sa sinabi niya. Kahit ako naman talaga dapat ang gumawa ng lahat ng 'to, maswerte ako na nandiyan siya para dumamay.

"Nasan na pala si Jade?"

"Nasa kwarto ho, nakatulog na." Habang nilalagay ang mga nabalatang prutas sa platito. "Inihanda ko lang po 'to para pag gising niya."

"O siya, ako na rin ang maghahanda ng hapunan, magpahinga ka na muna doon at samahan si Jade."

"Tulungan ko na ho kayo, hindi naman po ako pagod."

Ako na ang naghiwa ng mga sangkap para sa lulutuing sinigang. Ang totoo niyan, kaya mas pinili ko siyang samahan ay para sabihin ang tungkol sa napag-usapan namin ni Jade.

The Welsh MaidenWhere stories live. Discover now