Kabanata 28

23.8K 960 581
                                    

Assurance


"Love?" Pag-uulit niya. "Who is she?"

Jade is hard to read when she's curious. Kaya ako mas lalong kinakabahan.

"Uh, s-si Megan, kaibigan ko."

Napatingin ako sa kanya and I know Megan noticed something. She's looking at Jade as if she's one hell of a crazy person.

I'm more surprised when Jade stands up and offered her hand. 

"Hi I'm Jade, nice to meet you."

Megan did the same. "L-Likewise" Kitang-kita ko ang pilit niyang ngiti sabay tingin sa'kin na parang may gusto siyang sabihin.

"Tara Jade, uwi na tayo" Pag-aya ko sa kanya dahil nakikinita kong hindi maganda ang kahahantungan kung manatili pa kami doon.

Buti nalang at sumunod si Jade. She's still clutching on my right arm habang pauwi na kami sa bahay. None of us said anything and it calms me somehow.

May alam si Megan tungkol sa kanya at kapag nagtanong si Jade kung paano kami naging mag-kaibigan ay hindi ko alam ang isasagot ko. We became friends because we'd been looking for clues against her.

Now I'm being caught on the horns of a dilemma: Sasabihin ko ba ang totoo? O magsisinungaling ako?

+++

Kinabukasan naunang nagising si Jade sa'kin. May pasok ako ng alas otso kaya agad akong bumangon. Naabutan ko sila ni tita na masayang nagku-kuwentuhan habang kumakain ng almusal.

"Oh gising ka na pala anak" Napatayo siya at kumuha pa ng isang plato para sa'kin. Nakasuot na ito ng uniporme pang-ospital para sa shift niya ngayong araw.

"Good morning love" She reached for my hand at nang makatayo ako malapit sa kanya ay tumingala ito para sa isang mabilis na halik sa labi.

"Good morning" Sagot ko. "Sana ginising mo nalang ako bago ka lumabas." Napaupo ako sa tabi niya.

"Sobrang payapa ng tulog mo hindi ko kaya" Balik niya habang nilalagyan ako ng sinangag sa plato.

"Mga anak mauna na ako ha? Marami ngayong pasyente eh" Nire-refill niya ang dalang baunan ng tubig habang nagsasalita. "Tawagan mo nalang ako Jade kung magka-problema. Nakapag-grocery na rin ako, kumain ka lang dyan anak kung nagugutom ka. Huwag kang mag-alala uuwi ako ng maaga." At inilagay na niya ang baon sa bag bago kunin ang susi sa ibabaw ng fridge.

Bago umalis ay hinalikan muna ako sa noo at nagpaalam na rin kay Jade.

"What time is your class?" She asked.

"Eight" Matipid na sagot ko habang ngumunguya.

"And what time will it ends?"

Nilunok ko muna ang pagkain at napatingin sa kanya. "Siguro before lunch. Why are you asking?"

"Kasi sasamahan mo ako sa ospital diba?"

I almost forgot. Magpapa-ultrasound pala siya ngayon.

Napahinga ako ng malalim. "Maligo ka na, sumama ka nalang sa'kin."

Biglang nagliwanag ang mukha ni Jade.

"Dun ka muna sa boarding house. Pagkatapos ng klase ko diretso na tayo, pero hindi sa ospital ng mommy mo."

"But they're expecting me to be there." Kunot noong balik niya.

"Diba napag-usapan na natin 'to?" Paalala ko sa kanya. "Ako ang gagastos hindi sila. Sige na maligo ka na."

The Welsh MaidenWhere stories live. Discover now