Kabanata 33

23.2K 971 320
                                    

Discernment


Our first meet up went well. Maricel was very welcoming at naging komportable agad ako sa kanya. She asked random questions like how I was, how old I am, what year am I in college, things like that and in return, she would also share stuff about her with me. Nalaman kong kwarenta anyos na ito at sampung taon ang agwat ni tatay sa kanya. Well, she doesn't look old like her age, parang trenta lang ito dahil sa taglay na ganda at ang pagiging mestiza.

Sa pag-uusap namin, palagi niyang nababanggit ang pangalang Hailey and I know she was pertaining to her daughter who is just sitting quietly beside her.

Medyo nakaramdam ako ng pagkailang and at the same time, nagagalak din akong makilala siya. She's intently eyeing me from head to toe na parang binubusisi ng maigi ang resemblance naming dalawa. Yes, we're very much alike. Para kaming pinagbiyak na bunga pero ang kaibahan nga lang ay trese anyos palang ito.

Si Jade naman ay hindi mapigilan ang sarili na kausapin si Hailey. Inglesera silang pareho at napansin ko naman na agad naging komportable ang bata sa kanya.

"Love?" Jade suddenly called.

Bakas ang pagkagulat ni Maricel sa pagtawag nito. Si Hailey naman ay nginitian lang si Jade at walang lamat ng pagtataka kaya't batid kong nasabi na niya sa bata ang tungkol sa'min.

"Let's go out. I think Hailey wants to eat something" She winked and I totally get it. Gusto niyang magkasama kaming magkapatid kahit sa maikling oras lang.

"Sige na Althea." Segunda naman ni tita na nakaupo sa tabi ni Maricel.

Ngumiti naman ang huli at binilinan ang anak na huwag magpabili ng kung anu-ano.

Nang papalabas na kami ay hindi nakatakas sa pandinig ko ang paliwanag ni tita kay Maricel tungkol sa relasyon namin at ang pagdadalang-tao ni Jade.

Napangiti nalang ako dahil sinabi niya ang totoo at hindi niya ako ikinahiya.

+++

"Ate Jade madalas ka rin bang mamasyal?"

Nakaupo kaming tatlo sa may park bench habang kumakain ng sorbetes. Nasa gitna namin si Jade habang ang kanang balikat niya ay nakadantay sa dibdib ko. The place is a bit crowded dahil bukod sa mga taong naglilibang at mga batang naglalaro ay may mga nagtitinda rin ng mga streetfoods, laruan, makukulay na lobo, at kung anu-ano pa.

"Hindi naman madalas, I would say once or twice a week." Napatingin siya sa'kin. "Yesterday your ate Althea took me to the park and it was so much fun!" Jade beamed in.

"Really?" Namamanghang sambit ni Hailey. "Can I come too?"

"Why don't you ask your sister" Sabay silang napatingin sa gawi ko.

"Ate Althea, can you also take me there?" Matamis ang iginawad niyang ngiti.

"Of course Hailey" I smiled back and for the first time she called me ate.

Jade's hand find its way to mine. "Told you, your ate Althea is so mabait. She will not only take you to the park, maybe, if your mom approves, you can also spend the night with us." Alok pa niya.

"Love I don't think ---" Pangamba ko na agad niyang pinutol.

"Sure!" Pagpayag nito. "I'll ask her, maybe I can visit your house next weekend." Masigla niyang sambit.

"That's great!" Segunda pa ni Jade. "Love, we should prepare her favorite foods by then."

"But we don't know what she wants" Pagsakay ko sa pakay ni Jade na mas makilala pa siya ng lubusan. "Hailey, ano bang mga favorites mo?" Pahabol ko.

The Welsh MaidenWhere stories live. Discover now