Meeting the Parents
Isang buwan din ang itinagal ko sa loob ng mansyon ng mga Henares. Ilang beses ko ring sinubukang alamin kung saang lupalop kami naroroon pero lagi akong bigo. Hindi ako maka-buwelo lalo pa't palaging nakabuntot sa akin si Jade. Yes, I'm free to do whatever I want pero ramdam ko pa rin ang pagkakatali sa sitwasyon.
In the duration of my stay, mas lalong naging possessive si Jade. She became too clingy at halos araw-araw nalang ang pagtatalik namin. I won't deny the fact that I'm still in-love with this woman. Minsan nakakalimutan ko ang mga nagawa niya noon especially now that I could see Jade's willingness to change. She seems happy, mas umaliwalas ang kanyang magandang mukha at nakikita ko na gumagawa talaga siya ng paraan para mapasaya ako.
Noong mga bata pa kami, naalala ko ang madalas naming paglalaro ng bahay-bahayan sa maliit na kubong itinayo ng ama ni Jade sa taas ng puno. Hindi ko lubos akalain na iyon din ang gagawin namin ngayong nasa wastong edad na kami, ang pinagkaiba nga lang ay totoong bahay na ang inuukupahan namin. Minsan na ding naging paksa ng pag-uusap namin ni Jade ang tungkol sa pagkakaroon ng pamilya. Nailang ako ng kaunti at kinilabutan sa gusto niyang mangyari.
She wants us to get married the soonest possible. Wala akong naisagot sa kanya. We're sitting on the sun lounger at the terrace habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw nang bigla niyang sambitin ang mga katagang iyon. Ramdam ko ang pagkasabik niya habang patuloy sa pagku-kuwento tungkol sa mga plano niya sa hinaharap.
"I want us to get married love." Halos sa isang araw ay limang beses niya itong banggitin.
Knowing Jade, she's not that kind of woman na hindi sineseryoso ang mga bagay-bagay. Kaya mas lalo akong kinakabahan sa kung ano man ang kahihinatnan ng kagustuhan niyang ito. We're just twenty-one years old for Pete's sake!
Hindi pa sumagi sa isip ko na ikasal at magkaroon ng asawa on just a very young age. Looking back at the old days when my only problem is on how to pass the exam and to submit plates on time, para akong sinampal ng isang daang beses hanggang sa magising sa katotohanan na sobrang layo ko na pala sa mga pangarap ko sa buhay.
Kung sakali mang totohanin ni Jade ang pagpapakasal, kahit pa ikamatay ko ang pagtakas ay gagawin ko. I know my situation will become worst. Ayokong matali sa kanya ng panghabang-buhay. Yes I do love her but not to a certain extent na tuluyan ko nang itatali ang sarili ko sa kanya.
"Sweetheart, we're here!"
Mula sa kusina ay dinig ko ang biglang pagbukas ng pintuan.
"Mom?" Napatayo agad si Jade at naglakad papuntang living room.
Napahinto naman ako sa paghuhugas ng plato at pinunasan ang mga kamay gamit ang tuwalyang nakasabit sa fridge.
"Mom!" Jade immediately hugged her mother nang makumpirmang ito nga ang dumating.
"Daddy!" At niyakap niya ito ng sabay.
"Anak we really missed you so much!" Hinalikan naman ito ng ina sa noo.
I've witnessed their loving faces at alam ko na agad kung gaano nila kamahal si Jade.
"Uh mom, dad..." Biglang tumingin at lumapit si Jade sa akin. She held my right hand at sabay kaming nagtungo papalapit sa magulang niya. "This is Althea, my girlfriend."
Mas lalong lumapad ang ngiti ng ina nito habang nakatingin sa akin.
"Nice to meet you po" Napayuko ako sabay abot ng kamay pero bigla akong hinila ng ina niya at niyakap.
YOU ARE READING
The Welsh Maiden
Romansa"Everything I want will come to me at the perfect time. She's mine to keep. Only MINE." WARNING: This book explores themes about obsession, death, childhood trauma, depictions of violence, explicit sexual content, and other possible triggers. Reader...