Few things you need to know about publishing. At hindi na po ako sasagot ng mga PM about soft copies at kung bakit binura. Kung hindi niyo binasa ito, wala na po akong magagawa.
1. Pag napublish na ang book, may contract na po ang author sa publisher. Part of the contract, once the book is released, kailangang burahin na ang story na napublished sa lahat ng online sites. Kaya kahit na nasa epilogue na po kayo, hindi ko na po ito ibabalik.
2. Sa mga nanghihingi ng soft copies, what do you think? Kung nung hindi pa nga napupublish ang YPOM hindi ako namimigay, ngayon pa kaya. One more thing, hindi mo nga binasa yung profile ko, so why I'd bother to reply kung ang tanong mo lang naman is about soft copy na ang sagot sa tanong mo ay nasa harap mo na, oooppss tinuka ka na.
3. Hindi po ako nagdadamot, na napublish lang ang YPOM binura ko na. Naexplain ko na kung bakit. At gusto mong ipabalik ito kasi hindi ka pa tapos magbasa? Hwag po tayong selfish.
4. Kung magkano ito? It's Php195.
5. Kung kelan magiging available sa mga bookstores? I will post po kung kelan. Kung wala pa pong post, meaning wala pang update. You can check PSICOM's page or Pandayan's page.
6. Kung magkakaroon ba ng delieveries sa mga provincial branches ng mga bookstores? To be announced pa po.
7. Kung magkakaroon ng booksigning sa mga provinces? Hindi ko pa po alam sa ngayon.
8. About shipping sa mga nasa abroad? Ichecheck ko pa po sa Pandayan kung pwedeng umorder sa kanila onine. I'll keep you posted.
9. Kung may book 2 ba ang YPOM? Wala po, sinabi ko na ito dati pa. Kung ano yung nabasa niyo na ending yun na po yun.
10. Kung magkakaroon ako ng freebies na signed copies? Hindi ko pa po alam. Depende sa budget ko. Hahaha! Small time lang po si author.
11. Kung may nabawas ba na mga chapters, may deleted parts ba? Wala po. Nirevise ko lang at inalis ang mga minor scenes na sa tingin ko hindi na kailangan. At kahit mawala ang mga ito hindi makakaapekto sa flow ng story.
12. Kung kasama ba ang mga private chapters? Yes, kasama po ang mga private chapters. At since bonus chapters lang naman ito, hindi siya originally kasama sa mga chapters ng story, hindi ko po binura ang laman nr private chapters. May separate link naman po kasi ang mga ito kaya okay lang. Uulitin ko po, hindi ko po binura ang laman ng mga private chapters.
13. Kung bakit hindi ko dinelete yung boung story at naiwan ang mga chapters? Simple lang. I want to keep the comments and votes. I treasure them. Minsan inuulit ulit kong basahin ang mga yan. Proof yan, na hindi man ang YPOM ang the best story written sa wattpad, patunay na marami ang nagbasa, sumuporta at nagmahal sa story. At paano naman yung mga nagrequest ng dedic sa bawat chapters, mawawala rin right? Ganun lang kasimple.
If you have more questions you can post it here. Mas madaling sumagot sa comment box kesa sa inbox. Pag nabasa ko na kasi ang PM at hindi ko nasagot agad, hindi ko na ito maaala.
Para sa mga madalas online sa twitter, you can follow me @his_goldeneyes for updates. Just tweet me, if you want me to follow back.
Or add me on my facebook account. Click on the FB icon sa profile ko.
Or like the YPOM's page for updates, copy the link as well na nasa profile ko.
Thank you sa mga sumuporta sa YPOM nung on going pa lang ito. Nang dahil sa inyo, kaya napublished ito.
Maraming salamat.
BINABASA MO ANG
Your Place Or Mine? BOOK VERSION (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)
General FictionOne night with a total stranger. And fate brought them together once again. That's where their whirlwind romance started...