Chapter 52: Secrets

176K 1.5K 298
                                    

HALEY'S POV

"Anong oras daw tayo pwedeng lumabas, hija?" tila naiinip na tanong ng Mommy ni Russell.

This is the third day na naka-confine siya sa hospital because of hypertension at overfatigue. She fell that day we were decorating. May tahi siya sa ulo kasi bumagsak siya sahig at tumama ang ulo niya somewhere.

Isinugod namin siya sa hospital that same night after naming mag-decorate. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kasi puro dugo ang ulo ni Mommy. Wala si Daddy at wala pa rin si Russell that time. Kaya tarantang-taranta kaming lahat sa bahay. Lalo na ako. Kaya naiyak talaga ako nang tinawagan ko si Russell para ipaalam sa kanya ang nangyari. I was terrified.

"Mamayang hapon pa daw po. Hinintay pa po yung doctor sa neuro para sa clearance," sagot ko.

Kababalik ko lang galing sa nurse station. Kinukulit niya kasi ako na tanungin ang oras ng discharge sa kanya. Inip na inip na ito. Hindi sanay si Mommy ng walang ginagawa.

"I can't stay here any longer. Wala bang ibang available na doctor na pwedeng mag-check and mag-clear sa akin?" kulit nito.

"Nagbilin daw po kasi si Daddy na si Dr Acuna lang daw po ang pwedeng mag-clear sa inyo."

Alam kasi ng Daddy ni Russell na mangungulit na naman ang Mommy niya para magpa-clear kahit na kaninong doctor. Kaya mahigpit instructions nito sa mga nurses.

"Sabi ko na nga pakana na naman ng Daddy mo 'to. Naiinip na talaga ako dito. Nasaan nga pala 'yung laptop ko? Pakiabot nga anak," sabi nito.

Hindi talaga mapakali. Sinabi na ngang magpahinga.

"Binalik na po ni Russell sa kotse. Gusto niyo po gisingin ko siya para kunin iyon?" tanong ko habang nakatingin sa himbing na Russell sa couch.

"Never mind. Isa pa 'yan. Baka pagalitan na naman ako," parang batang himutok nito. May binulong-bulong pa siya pero hindi ko naintindihan. At pumikit ito.

Dinala ni Russell ang laptop sa kotse kasi kagabi pa ito nangungulit at gustong magtrabaho. Lumapit ako kay Russell na mahimbing na natutulog sa couch. The dark circles around his eyes shows he lacked sleep for days. At hindi siya umalis sa tabi ng Mommy since day one na na-confine ito. Ako lang ang umuuwi sa bahay para kumuha ng mga gamit at damit niya. He's missing his classes, too.

Humiga ako sa tabi niya. I terribly miss him. Ilang araw na kaming hindi nakapag-usap kasi sa ospital siya natutulog. Pag umaga naman, nasa school ako. Ayaw niyang matulog ako sa hospital kahit may isang bed na available bukod sa couch. Hindi raw ako makakapagpahinga at makakatulog nang maayos dahil sa routine ng mga nurses para i-check si Mommy.

Marami akong gustong malaman at itanong sa kanya. Kahit siguro magkaroon kami ng pagkakataong mag-usap ngayon, hindi ko kayang banggitin ang mga gumugulo sa isip ko. Lalabas na napaka-insensitive ko. He's worried about his Mom and here I am, worrying about something else like I just don't care.

Actually, I have better idea on how to find out. Pinag-isipan ko na rin ito. I don't see anything wrong with it. I can seek professional help. But, nakahanda ba ako sa mga malalaman ko kapag ginawa ko 'yon? Kung ang pagkumpronta nga kay Russell ay nagdadalawang-isip ako, o pwede ring sabihing natatakot ako, heto pa kaya na ibibigay talaga sa akin lahat ng detalye ng imbestigasyon nila based on my demands.

Pero hanggang kailan ako magtitiis? Will I just sit here and wait for the truth that my husband has someone else to slap me? Tatanungin ko na ba siya? Aawayin ko ba? Paano kung umamin siya na totoo nga? Papipiliin ko ba siya? Handa kaya ako sa magiging sagot niya. Pa'no kung iwan niya ako? God, I can't take it. Napayakap ako sa natutulog na si Russell. Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya. He stirred. His arm caught my waist and his eyes are still closed.

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon