Chapter 26: Not Again...

258K 2.3K 470
                                    

HALEY'S POV

Deja vu.

It's the same scene I saw with Vince.

Ang tanga ko talaga. Pero kasalanan ko ba? Nagmahal lang naman ako. Too bad, sa maling lalaki. So now it's my fault that I'm hurting. But why does it hurt more this time?

I love Vince. At kaya nasaktan ako kasi ang akala ko niloko niya ako. Pero bakit mas nasasaktan ako sa ginawa ni Russell? Hindi naman niya sinabi na mahal niya ako. Mas mahal ko ba siya kesa kay Vince? O tuluyan nang nawala sa puso ko si Vince at si Russell na ngayon ang mahal ko?

Paano ko pakikisamahan ang lalaking kagaya niya kapag kasal na kami. Puro sakit at sama ng loob lang marahil ang mararanasan ko sa kanya. But I can longer hold back. I think I love him. Pero wala akong balak na ipaalam ito sa kanya. At sana mapigilan ko ang sarili ko. After what happened between me and Vince, I never thought I'm capable of loving this much again.

Parang wagas lang ang pagtulo ng aking mga luha. Hinayaan ko lang na kusang umagos. Hindi ko na pinag aksayahan ng oras na punasan pa. Nakakapagod din.

Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ako nakauwi nang maayos. Panay ang tingin sa akin nung driver kasi nakagown pa ako at panay ang iyak. And I wonder how I ran so fast in heels to get away from Russell nung hinabol niya ako. Partida pa yun kasi sumakit ang mga paa ko sa sunod sunod na pagsayaw.

It's almost 1am. Hindi pa rin ako nagbibihis. At wala akong balak kumilos. Nakaupo lang ako sa sofa, my knees are tucked to my chin. Nakatingin lang ako sa kawalan.

Ubos na ang mga luha ko. Pero andito pa rin ang sakit. At patuloy akong masasaktan hanggat patuloy akong nagmamahal. Is this the price of being in love? To be hurt as well? O yan na ngayon ang bagong meaning ng love? Love is being hurt.

Gusto kong matawa. Nagiging bitter na yata ako. Nagiging emo. Ayoko nang mag isip. Gusto ko nang matulog at magpahinga. Pero dilat na dilat ang mga mata ko at hindi ako dalawin ng antok.

I literally jumped off my feet nang tumunog ang doorbell. Who could it be? Well, isang tao lang ang ineexpect ko na darating ng ganitong oras. At bahala siya sa buhay niya kasi hindi ko siya pagbubuksan. Manigas siya.

Then I heard my phone ringing. Of course it's Russell. So I cancelled it. After that naging sunod sunod na ang tunog ng doorbell. Pero wala akong pakialam. Kahit magkakalyo pa ang daliri niya sa kapipindot ng doorbell hindi ko siya pagbubuksan.

After a minute, he stopped. Nakahinga ako nang maluwag. Nagulat ako sa message alert tone ng phone ko. It's a text from him. Himala. Hindi ito nagtetext kahit minsan.

"I know you're there. Pls open the door. I need to talk to you."

"Talk to you" ka pang nalalaman. Bahala siya. Wala na kaming dapat pang pag usapan. Malinaw ang nakita ko. Napapikit ako. Gusto ko na namang maiyak pag naalala ko ang eksena nila ni Vanessa. The doorbell never stops buzzing. Hanggang sa tumunog ulit ang phone ko. Nagtext ulit siya.

Open the door, or I'll knock this down.

Napaismid ako. Takutin ba'ko? I know it's a threat pero paano kung gawin nga niya? Bahala na. Hindi ko pinansin ang text niya kahit na medyo kinakabahan ako baka totohanin niya ito. Pero hindi niya ako matatakot. Pinatay ko ang phone ko at pumasok ako sa kwarto ko.

I covered my ears with a pillow just in case he will hit the doorbell non-stop again. Papikit na'ko nang may naririnig akong kalabog. Napabangon ako. It's louder this time. Binubugbog na niya ang pinto. Ampu! Nagmamadali akong lumabas ng kwarto. It's 1am at marereport ako ng ibang mga tenants. Gago talaga.

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon