Chapter 28: The Groom

236K 2.1K 292
                                    

HALEY'S POV

I was sitting between Russell and Ralph. Napaka awkward ng feeling. Pakiramdam ko ingat na ingat ang mga magulang nila Russell sa mga salitang binibitawan nila. Siguro dahil nandito ako at si sandok.

Hindi pa alam ng parents ko na nakabalik na si Ralph. Baka magkaroon daw ulit ng isang dinner para makilala ni Ralph ang parents ko. Ano kaya magiging reaction ng nanay ko? She likes Russell for me. Kaya payag na ito na magpakasal kami.

The wedding is set. Ang kasal namin ni Ralph. Humingi ng paumanhin si Tita Cecille sa nangyari. Naintindihan ko naman. That was the original plan. Tama si sandok, kapag lumitaw si Ralph, siya ang pakakasalan ko.

But what about Russell? Magiging bestman na lang siya ganun ba 'yun? Matutuloy ba ang kasal nila ni Camille? Hindi ko malunok ang kinakain ko. Parang may nakabara sa lalamunan ko. Hindi ko nga maimagine ang sarili ko na ikakasal kay Ralph. Pero mas hindi ko matanggap na ikakakasal si Russell kay Camille.

" Of course there will be major changes....."

Napatingin ako kay tita Cecille nang magsalita ito. She was looking in my direction kaya feeling ko ako ang kausap niya. At umayos ako ng upo at nagkunwaring busy sa pagkain. I can't look at her straight.

Of there will be changes. Nagyong nagbalik na si Ralph, marami ang kailangang baguhin. Like the name of the groom sa invitation. Size ng singsing. Mga legal documents like marriage license. Ayoko nang pakinggan pa angg iba pang mga detalye. They don't matter anymore.

At ang nakakagulat sa lahat, may nakabook na honeymoon package for Hawaii. Papalitan na lang daw ang name sa ticket.

Nagkatinginan kmi ni Russell. Halatang wala rin siyang alam tungkol dito. Napahawak si Russell sa ulo niya na parang sumasakit ito. Napapikit siya nang madiin. Pareho kaya kami ng iniisip? Na hindi ko maimagine ang sarili ko na kasama si Ralph sa honeymoon.

Nabuhay ang galit sa dibdib ko. Galit sa mga magulang ni Russell at sa mga magulang ko. Hindi ba nila alam na ang pinag uusapan dito ay isang arranged marriage lang. Bakit kailangan pa nilang pakialaman ang mga intimate na detalye ng kasal ng dalawang tao na hindi naman talaga personal na magkakilala. Gaya ng honeymoon. Akalaing mong pati yun naisip pa nila talaga.

Since naging masunurin naman kaming mga anak, sana labas na lang sila kung ano man ang mga plano namin after ng kasal. Sinunod na naming ang gusto nilang mangyari, ano pa ba ang gusto nilang gawin namin?

Pasalamat nga sila, walang madugo at madramang confrontation gaya ng ibang nasa sitwasyon ng arranged marriage. It so happened that Russell and I met before all of these plan were set. And that made their plan a whole lot easier.

Pero ang isama pa nila ang honeymoon sa plano? Sino ba naman ang hindi magagalit? Pipilitin ka na nga nlang magpakasal, pipilitin ka pa rin nilang makipag sex? Para ano, to secure an offsfring? Para maging mas matibay ang bond ng two families pag nagkaanak sila. I've been temping to flip a bird to all of them. I just held my hand in place, and rolled it in one hard fist.

Walang nagsalita maski isa man sa amin ni Russell. Kanina pa siya seryoso at mukahng galit. Ganun din si Ralph, hindi ito nakikisali sa usapan nila. Dalawang beses ko pa lang yata siyang narinig na nagsalita. Halatang hindi rin niya nagugustuhan ang mga nangyayari.

Kanina ko pa gustong umiyak. Napatingin ako kay Russell na hindi man lang ginalaw ang pagkain niya. And beside him is sandok, sitting and feeling pretty, eating with gusto. Ang sarap saksakan ng pagkain sa bibig hanggang sa hindi na siya makahinga.

Isang palaisipan sa akin ang biglaang pagsulpot ni Ralph. Kasabay din nito ang pagsulpot ni sandok. Naalala ko ang sinabi nito dati. Na kaya siya andito ay para makasiguro na makikita si Ralph. Na tutulong siya sa paghahanap kay Ralph para hindi matuloy ang kasal namin ni Russell. Siya ba ang nakahanap kay Ralph? Tumingin ulit ako sa kanya. At nahuli ko siyang nakatitig sa akin. Nagulat ito nang pandilatan ko siya. Akala siguro niya mabubully niya ako.

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon