HALEY'S POV
"Ano pa ba'ng kulang?" naiinip kong tanong kay Irish habang dinidikit ko ang huling piraso ng cut-outs sa cartolina para sa report namin bukas ng first period.
Nag-extend kami ng oras para gawin ito. It's almost 7pm, madilim na. Mangilan-ngilan na lang ang mga estudyante sa school.
Mabuti na lang at wala si Russel kundi maiinip ito sa pag-aantay. He left for Singapore yesterday. Biglaan ang alis niya para sa 3-day business trip – daw. Hindi na 'ko nagtanong ng detalye kasi hindi rin ako interesado, especially pag business ang pinag-uusapan. At mukhang wala rin siyang balak magpaliwanag tungkol dito. He seemed worried and distant these past few days.
Pero hindi ko na ito masyadong inintindi. Meron rin kasing gumugulo sa isip ko ng mga panahong 'yon. At ilang araw din akong hindi pinatulog ng nakita ko online. But I kept it to myself. Bilang pampalubag loob, inisip ko na lang na, that was part of his past. At ang babaeng 'yon marahil ay parang si Vince lang. Isang magandang pangyayari sa buhay ni Russell.
"Last na 'to," sabi niya sabay abot sa akin ng mga ibang cut-outs.
Tumingin ako kay Seth na tahimik na nagsusulat sa kabilang side ng room. Sa lahat ng magiging kagrupo ko, ba't siya pa? Sakto namang napatingin siya sa side ko. Umiwas ako ng tingin. Almost two weeks ko na siyang hindi kinakausap.
Pati si Irish ay hindi kami magawang biruin. Hindi niya alam ang nangyari pero nararamdaman nito na may issue kaming dalawa. And thank God, hindi ito nagtatanong at hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin ang nangyari.
Hindi na napigilang hindi mangulit ni Jess. Naiinip na siya kasi halos dalawang linggo ng hindi ko kinikibo si Seth. Pero hindi ko pa kinukwento kung ano ang tooong nangyari. Naiilang na daw siya sa katahimikan pag magkasama kaming tatlo. It started one morning, nang mag-asaran at naghabulan kami sa hallway pababa sa hagdan.
"Lagot ka pag inabutan kita," pabirong banta ni Seth habang tumatakbo akong palayo sa kanya.
"Subukan mong lumapit, sasapakin talaga kita," pabiro kong banta.
Hindi ito ang unang pagkakataon na naghabulan kami pag nagkakapikunan sa konting asaran. Minsan, ganon din sila ni Jess. Pero madalas siya 'yung hinahabol namin kasi malakas talaga itong mang-asar. Naging palagay ang loob namin sa isa't isa sa loob ng maiksing panahon na naging kaklase namin si Seth.
Tumakbo ako paakyat sa hagdan patungong third floor. Mabuti na lang at walang masyadong tao. Pagdating ko ng third floor, umikot ako sa kabilang side para bumaba. Sa sobrang taranta at pagmadali kong bumaba, hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari. I missed one step at padapa akong bumagsak sa sahig. And when I moved to my right, I felt an excruciating pain on my right arm. Nahigaan ko pala ito at napasigaw ako sa sobrang sakit.
Tarantang sumaklolo si Seth. Tinulungan niya agad para makaupo at isinandal sa wall.
"I'm sorry. It's my fault," puno ng pagsisising sabi nito.
Pinilit kong ngumiti kahit medyo masakit ang braso ko pati ang mga tuhod ko.
"No, hindi mo kasalanan. I was careless."
Umiiling siya. Lumapit siya at parang nag-aalanagan siya na hinawakan ang braso ko. "Masakit pa ba?"
Tumango ako. "Konti." Pero mas masakit ang mga tuhod ko at mukhang mahihirapan akong tumayo.
Marahan niyang pinisil ang kamay ko, paaakyat sa braso. Parang minamasahe niya ito. At nabawasan ng konti ang sakit. Bibiruin ko sana siya, na manghihilot ba siya dati. I tried not to especially when his face is just few inches away I can even feel his warm breath on my face. And he's staring. I looked down at concentrated on his fresh cologne scent. Ang bango ng cologne. Papa cologne.
BINABASA MO ANG
Your Place Or Mine? BOOK VERSION (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)
General FictionOne night with a total stranger. And fate brought them together once again. That's where their whirlwind romance started...