Chapter 63: The Truth

196K 2.4K 959
                                    

HALEY'S POV

Isang linggo pa lang ako dito sa bahay nila Russel, sa tingin ko maloloka na yata ako. Hindi ko matagalan ang trato ni Russell. Kapag kaharap ko siya, he treated me like I didn't exist. Pero minsan naman, nahuhuli ko na nakatingin siya sa amin ni Reese. O baka si Reese lang ang tinitingnan niya at hindi ako.

Minsan naman nagigising akong katabi namin siya ni Reese. Wala ba siyang sariling kwarto? Alam niyang minsan, doon ako natutulog sa kwarto ni Reese. One time naman, nagising akong kami na lang magkatabi. Nasa crib na si Reese. I asked him kung sino ang naglipat kay Reese sa crib. Sagutin ba naman ako ng, "malay ko." Sino'ng naglipat kay Reese, multo? Kung hind man, umakyat mag-isa si Reese sa crib niya?

Masyadong pakipot. If I know, kaya niya nilipat si Reese para tabihan ako. Nakakainis siya. Akala niya nakalimutan ko ang mga sinabi niya nung huli kaming mag-usap. Na magkikita kami sa korte. Pasalamat siya nasa state of shock ako no'n at hindi ko na-realized na wala pang dalawang taong bata ang pinag-uusapan namin. At kahit saang korte pa kami makarating, ako ang papanigan ng korte at sa akin siya mapupunta.

And I think, he's smart enough to know that. Ang gusto lang niya, marahil mangyari, ang magkaroon ng legal agreement kung kelan pwede niyang hiramin si Reese. At ito ang nagpapasakit ng ulo ko. Dahil siguradong magkakalayo kami ng anak ko.

Hindi ko siya pagbabawalan kung gusto niyang makasama o dalawin ang anak niya. Siya lang ang hindi nagpakita sa aming mag-ina ng tatlong taon. Hindi ko naman ipagkakait sa kanya ang anak niya kung gusto niya itong dalawin o kaya ipasyal.

Pero kung nasa Pilipinas siya at nasa Spian kami, pinakamaikli na ang dalawang linggo kung kukunin niya si Reese. At hindi ko kayang malayo sa anak ko ng ganong katagal. 'Yon nga lang ilang oras akong wala pag may photoshoot ako, miss na miss ko na siya. 'Yon pa kayang ilang araw siyang mawawala.

At nagpapasalamat ako, hindi na niya ito inungkat ulit. Talagang hindi niya ito uungkatin, kasi hindi naman niya ako kinakausap. Kahit nasa hapag-kainan kami, para akong isang hangin lang. Kaya minsan, hindi na lang ako sumasabay kumain. Pakiramdam ko, out-of-place ako lagi. Mabuit na lang, kinakausap ako ng Mommy at Daddy niya. Sana dumating na sina Ralph para may makausap naman ako. Kasama niya si Alyssa at ang anak nila. Balita ko babae rin ang anak nila. Natutuwa ako at may makakalaro si Reese.

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo." Nagulat ako sa pagsulpot ng kasambahay sa likod ko.

"Sino?" tanong ko sabay abot sa kanya si Reese.

"Karen daw po yata."

Wala akong kilalang Karen.

"Dalhin mo muna si Reese sa kwarto niya."

Kauuwi ko lang galing Spain at sino ang dadalaw sa akin sa bahay nila Russell?

"Nasa garden lang po siya. Ayaw niyang pumasok sa loob."

Sino kaya ito? Nagmadali akong lumabas ako sa pinto.

She's on her back facing the plants.

"Excuse me?" I called her attention.

At humarap ito.

Nanlaki ang mga mata ko.

That bitch!

I felt so sick just looking at her. My first impulse was to grab her and pull her hair. And blood keeps rushing through my head. At parang sasabog ito. Her name is not Karen. She tricked me. Alam niyang hindi ko siya haharapin. As if I still remember her name. Seriously, I forgot.

"Anong ginagawa mo rito?" I sneered at her.

I can't hide disgust and hatred in my voice. And I don't have to pretend calm and not undaunted.

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon