Chapter 38: Ohemgi!

199K 1.4K 133
                                    

HALEY'S POV

Gusto kong sumigaw sa sobrang sakit. Bumangon ako para kumuha ako ng pain reliever . I'm thinking of a cold shower. Baka sakaling mabawaan ang sakit. Ngayon na lang ulit ako inatake ng migraine. Siguro dahil putol putol ang tulog ko kagabi. Merong isang number na panay ang missed call. Nagtext ng dalawang beses "hi" lang ang nakalagay. Sino kaya 'yung hinayupak na 'yun? Kahit tinatamad akong kumilos, bumangon agad ako at tinungo ang banyo.

Nagmadali akong naligo at lumabas agad ng banyo. Hindi pa rin nabawasan ang sakit ng ulo ko kahit na nakaligo na ako. Pero kailangan kong pumasok sa school kasi marami akong gagawin.

I opened the closet at tiningnan isa isa ang mga damit ko.

Dress or blouse and skirt?

Ngayon lang ata ulit ako nagdalawang isip kung ano ang isusuot ko. Isang pair ng gray leggings at long white polo ang napili ko. Maiba naman.

I miss wearing leggings. I usually go for mini dresses. If not a short skirt and top. At madalas magreklamo si Russell dahil baka daw masilipan na ako sa sobrang iksi ng suot ko.

I gave Russell a kiss and grabbed my stuff. Ilang minute pa, nasa gate na ako ng school. At isang malaking malaking streamer ang bumungad sa akin. Announcement ito tungkol sa world tour nila asungot. At mukhang full support ang school at pumayag ito na ikabit ang steramer sa may gilid ng university.

Sosyal ha. World tour? Hindi ko ineexpect na ganun sila kasikat para magkaroon ng world tour. Pagbaba ko ng kotse, nilapitan ko ang streamer at binasa ang announcement. And the're fully booked. The European tour starts in February. Ibang level pala ang grupo nila asungot. Parang Bigbang at JYJ ang peg? Duh, hindi naman siguro sila ganun kasikat.

Iniwan ko ang streamer at pumasok na sa campus. Wala pa rin si Jess pagpasok ko sa room. It's almost 8am. It's strange. Maaga itong dumarating sa school.

Wala rin si asungot. Sana wala siya para hindi masira ang araw ko.

"Nagtext ba sa'yo si Seth kagabi? Ang kulit kasi kaya binigay ko yung number mo. Naisip ko rin, he might need it para sa activity natin." si Irish.

So he was the one bugging me last night. At si Irish pala ang salarin.

Ngumiti lang ako. "It's okay."

Ayoko nang humaba pa ang usapan. I don't want to talk about him at this early hour. Baka mabwisit lang ako.

Tumahimik ang klase nang dumating si Prof. Wala pa si Jess. Paimple kong sinilip ang phone sa bag ko. Pero wala man lang missed call o tawag mula sa kanya. And my phone chirped. Malapit na itong mag empty.

Class has started but still no sign of Jess. She never misses class on major subjects. At wala kahit tawag o text man lang. And I'm starting to worry. Nawalan tuloy ako ng ganang makinig. Buti na lang wala si asungot. Kundi lalo akong mawawalan ng gana sa klase.

Nasa kalagitnaan na ng discussion nang may pumasok. Speaking of the devil.

"Mr Borromeo, you are not required to attend this class anymore. After your paperworks, you have the option na wag na itong pasukan since incomplete ka lang naman last semester sa subject na'to. Pero kung gusto mo okay lang din."

"It's okay ma'am. Wala naman po akong ibang gagawin." sagot nito.

Tiningnan ko siya ng masama. Pwede naman pala siyang hindi pumasok, humabol pa talaga. Nakakainis.

Nainip tuloy ako sa klase. Bukod sa wala si Jess, dumating pa tong asungot na'to. Buti na lang malapit na ang time.

Nagvibrate ang phone ko. It must be Jess. Pasimple ko nilabas ang phone sa bulsa ko.

It's Russell.

Ang aga namang nagising nito. My phone gave a warning tone again. Baka mag empty na. Bakit kaya siya tumatawag? Tumingin ako kay prof. Sasagutin ko ba nang palihim o lalabas ako?

"Don't you know that cellphones are not allowed during the class?"

Muntik ko nang mabitawan ang phone ko sa sobrang gulat. Bwisit talaga tong asungot na'to. Lilingon sana ako, pero natigilan ako. Alam ko na 'to. Umatras muna ako ng konti bago lumingon sa kanya. And I'm right, he's face is just like about few inches away from mine.

My phone stopped vibrating. At hinarap ko siya.

"Wala kang pakialam. At pwede ka tigilan mo yang kadidikit sa akin ng ganyan at hindi tayo close. Naalibadbaran ako sa'yo alam mo ba yun?!"

Kung nagulat ito, mas nagulat si Irish na katabi ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Pero hindi ko talaga alam kung sa adobe ba o sa marmol gawa ang mukha niya at napakapal talaga. He was shocked at first, pero nakabawi agad ito.

"Ganun ba? Bakit hindi pa tayo pwedeng maging close? Tinext nga kita di ka naman nagreply."

Hobby niya siguro ang pang aasar pang aasar. Lumapit pa ulit ito at tumitig sa mukha ko.

"Ang tindi mo rin noh. Hindi mo ba alam na bago maging close dapat nagiging friends muna. Eh hindi nga tayo friends diba, close pa kaya?" sarcastic ko siyang sinagot.

Pero imbes na maapektuhan sa sinabi ko, tumawa lang ito.

"Alam mo pwede rin naman tayong maging friends. Ikaw lang 'tong laging masungit sa akin. Kung naiinis ka pa rin dahil sa nangyari sa library, okay, I'm sorry for disturbing you. Okay na ba sa'yo yun?"

His expression changed, parang maamong tupa na ito ngayon. At akala niya madaan niya ako sa pagpapacute.

Inirapan ko siya. "Whatever!"

He chuckled. I totally ignored him. The class has ended, and thank God, he did not bother me again.

Natagalan ako sa pagcopy ng assignment sa board at hindi ko namalayan na nag alisan na ang mga tao at ako na lang yata ang natira. I hurriedly fixed my things and ready to leave.

"Hey!"

Lumingon ako. Si asungot. Naiwan rin pala ito. Wala akong balak kausapin siya kaya tumuloy ako sa pinto. He called me again. Pero hindi ko siya pinansin. But it sounded like a warning this time.

"Haley!"

So I stopped. That was the first time he called me by my name. And I..liked it. Pero dahil naiinis ako sa kanya, I turned to him with my hands on my waist.

"Ano na naman?!" gigil kong sabi.

Nagmamadali itong lumapit sa akin.

"Tumingin ka sa likod mo." utos nito.

"Wag mokong pinagloloko ha." banta ko sa kanya.

Sumeryoso ang mukha niya. "Hindi kita pinaglololoko. Kung ayaw mong maniwala bahala kang magkalat dyan." iniwan niya ako at nagsimula siyang maglakad sa hallway.

Parang galit ito. Pero nagtaka ako. Ano kayang sinasabi niya na tingnan ko sa likod ko? Out of curiousity, I checked my back.

OMG!

May stain ako.

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon