Chapter 5: Vince

385K 3K 113
                                    

Chapter 5

HALEY'S POV

Nakatingin ako sa phone ko.  3 missed calls! I checked the call list.

OMG!

Nandito na siya!

Si Hitler.

Yeah, that’s her name in my phone contacts. Yan ang tawag ko kay mommy.  Simpleng diktador kasi. Magaling pang mang uto. At may sinabi siya, hindi ka pwedeng sumuway utos nito. Pag sumuway ka, pagbibigyan ka niya pero may kapalit na pabor. Hindi pwedeng wala. Ano pa nga ba? Pero kung kilala mo siya. Susunod ka talaga dahil hindi mo magugustuhan pag nagalit siya. At baka hindi mo kaya ang pabor na gusto niya.

 Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin kung bakit siya pumayag na Psychology ang kunin kong course. During high school kasi sinabi na niya sa akin na business course ang gusto niya para sa akin. I'm sure na meron siyang hidden agenda sa pagpayag sa gusto ko. Kung ano man yun hindi ko alam sa ngayon. At kailangan kong maging handa kung ano ang hihilingin niyang kapalit.

 Tumingin ako sa relo ko. Kailngan ko nang umalis para hindi niya ako abutan. Mahirap na. Ayoko siyang kausapin ngayon.

" Mang Berting anong kotse ho ang available na pwede kong gamitin. " tanong ko.

Tumigil siya sa pagpupunas ng kotse at lumingon sa mga kotse na nasa garahe.

 " Yung Z3 po ma’am at yung Miata." sagot nito.

Ayokong gamitin ang dalawang ito. Low profile lang kasi ako sa school. May iba pang kotse sa garahe kaya lang baka ito na ang ready for use. Malinis at maayos kumbaga.

 "Eh yung Civic ho. " 

 "Ginamit ni Hans." sagot nito habang pinupunasan ang Z3.

"Asan ba yung kotse niya? Ba't yung Civic ang gamit niya?" ginamit niya yung Civic pero wala ang kotse nito na Lancer sa garahe.

 "Nasa condo ho ata maam." sagot ng matanda.

 Pag minamalas ka nga naman. Inunahan ako ni kuya. Ayaw din kasi ni kuya ng magarbong kotse. Pero teka, nasa condo ni Hans yung kotse niya? Bakit? Wala akong panahong mag isip. Di na’ko ulit nagtanong pa. Ayoko nang humaba pa ang usapan namin. Kailngan ko nang makaalis.

 "Sige po, pakikuha na lang po ng susi ng Z3."

No choice ako. Yung Miata kasi ang alam kong sira ang convertible na bubong nito. Ayoko namang ng ganoong eksena papasok sa school. First time kong magdala ng luxury car sa school. Gusto kong maging simple lang sa paningin ng ibang mga estudyante. At sa loob ng school, dun ko naramdaman ang normal at simple na buhay. Bilang isang normal na tao, at kasalamuha ang iba't ibang klase ng tao. Ayokong ituring ako ng mga kaklase bilang isang Haley Saavedra na anak ng may ari ng Saavedra Group of Companies. Gusto kong ituring nila ako na isang ordinaryong tao. At isang ordinaryong estudyante.

Sumakay na ako sa kotse at nagdrive palabas ng gate. Papasok na lang ako ng maaga at sa library na lang ako mag rereview. I'll make myself busy. I just don’t wanna see my mom yet. Not now.

Hindi ko namalayan nasa harap na’ko ng gate ng university. Lumiko agad ako sa driveway. Nagtaka ako kasi hindi umangat ang harang sa driveway. Lumabas ang isang guard at lumapit siya sa kotse ko. Dahil siguro walang sticker ang kotse. Binuksan ko ang bintana ng kotse. Nilabas ko ang ID ko at pinakita sa kanya.  Kinuha niya ito at pinagmasdan. Binalik din niya agad ito sa akin.

"Maam pasensiya na pero wala na kasing slot dito sa side na to. Sa West wing na lang ho." paumanhin ng guard.

Natigilan ako. Sa West wing? You've got to be kidding me. Of all places? Pero may choice ba ako. Kesa sa labas ako magpark.

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon