Chapter 4
Bakas sa kilos ni Amanda Saavedra ang pagmamadali. Kanina lang ay inip na inip na siya sa paglapag ng eroplanong sinasakyan niya.
"Maligayang pagbabalik po Madam!" bati ni Jun, isa sa mga body guards ng pamilya Saavedra.
Kinuha nito ang isang maliit na carry on bag sa kamay ng ginang.
" Salamat Jun. May pasok ba si Haley ngayon?" tanong ni Mrs. Saavedra.
"Ang pagkakaalam ko po Madam eh meron. Pero nasa bahay pa po siya kanina bago ako umalis papunta dito." sagot nito.
Kinuha nito ang cellphone sa pouch niya. Tatawagan niya ito. Kailangan niyang abutan ito para makausap.
"Di niya sinasagot ang phone niya." naiiling na sabi nito. "Sa hotel muna tayo dumeretso Jun. May kailangan lang akong kausapin."
"Opo madam." sagot ng driver.
Hindi niya gustong mamalagi sa Spain pansamantala. Nag open ang publishing house ng talong branch at kailangang may magmonitor nito.
"Si Hans nga pala?" naalala nito.
Natahimik si Jun. Pero nakabawi rin saglit. " Isang linggo na ho siyang hindi umuuwi madam. Baka ho nasa condo niya."
Napailing ang ginang. She lost track of her kids’ activities. Pag tinatawagan niya ang mga ito para kumustahin, naka off ang mga phones nila. Pag makakausap naman niya lagi na lang nagmamadali. Parang iniiwasan siya ng mga ito.
"Napakatigas talaga ng ulo ng batang yun. Sinabi ko na sa kanilang dalawa na umuwi man lang sila sa bahay at least twice a week.” she said in frustration.
Parang nagsisisi na tuloy niya ang arili kung ba’t umayag siya lumipat silang magkapatid sa mga condo nila.
" Sa bahay muna tayo Jun. Baka abutan ko pa si Haley" tila nagbago ang isip na sabi nito.
Ipagpapaliban muna niya ang sadya sa hotel. This is the best chance to talk to Haley.
"Ok po madam" sagot ng driver.
Matagal tagal din siyang nawala halos anim na buwan. Bukod sa pagbubukas ng tatlong branch ng publishing house, inayos din niya ang ilang properties nila sa Spain. Balak niya kasi na doon mamalagi si Haley pagtapos ng graduation at para na rin maturuan niya ito sa pag mamanage ng business nila.
Alam niya na walang interest ang dalawa nilang anak when it comes to family business. Parehong iba ang hilig ng mga ito. Si Haley, instead na business course ang kinuha sa college ay nag major ito ng Psychology. Mahilig kasi ito sa mga bata. Balak niyang kumuha ng specialization sa Child Psychology after graduation.
Hindi niya maintindihan kung ba't ito ang napiling kurso ng anak bukod sa mahilig ito sa mga bata. Nararamdaman niya may iba pa itong dahilan bukod doon. Pero parang hirap siyang makahanap ng oras para kausapin ito.
Si Hans naman may sariling mundo. After graduation nito, nanghingi ng maliit na capital sa papa niya at magtatayo daw ng isang business kasosyo ang mga classmates niya. At kung ano man ito hindi niya sinabi. Pero pinagbigyan pa rin ito ng ama. Kahit papano ay business minded daw ito. At may tiwala naman siya sa anak.
Si Haley na lang ang problema ng ginang. Iba talaga ang hilig nito. Dalawa lang sila ni Hans na magmamana ng mga business nila balang araw. In time siguro matututo din ang mga ito sa pagmamanage pero hindi siya pwedeng magtake ng risk. Kaya nabuo sa isip niya ang isang pasya. At nagkasundo silang mag asawa sa naisip nilang plano.
Medyo may katigasan ang ulo nito. At medyo rebelde. Kailangan niya ng isang taong magpapasunod sa kanya. Nabalitaan ng ginang na may boyfriend ito. Pero ayaw niyang makialam. Magkukunwari siya na wala siyang alam. Alam niyang magiging malaking hadlang ito sa plano niya. Pero walang makakapigil sa kanya.
Alam niyang kamumuhian siya ng ng anak pero ito lang ang alam niyang paraan. At ito ang makakabuti para sa kanya. Pati na rin sa kabuhayan ng kanilang pamilya kung saan dugo at pawis ang pinuhunan nilang mag asawa para mapalago ito.
At alam niyang walang magagawa si Haley kundi sumunod sa kanya. Siya si Amanda Saavedra. All her plans worked. And she's never been wrong. She knows what's best for her. Sa ayaw at sa gusto niya susunod si Haley sa kanya. Kilalang kilala niya ang weakness nito. Pinagbigyan niya ito sa gusto niya. This time siya naman ang hihiling. At no choice ang anak kundi sumunod.
Wala namang mawawala sa kanya kung saka sakali. This will be beneficial for both sides. At pumayag na sina Ronald at Cecille sa plano. Wala namang problema sa side nila. Si Haley lang talaga ang dapat niyang pag tuunan ng pansin.
" Si Haley, umuuwi ba ng regular sa bahay?" tanong ulit nito kay Jun.
Hindi agad na nakasagot si Jun. Halatang nagulat sa tanong ng ginang.
" Umuuwi naman po siya ng regular....kaya lang....." hindi niya masabi ng derecho sa ginang ang gustong sabihin.
Nakuha niya ang atensiyon ng ginang. Seryoso ang mukha nitong tinitigan siya sa rearview mirror.
" Kaya lang ano?" tanong nito.
Nagdadalawang isip siya kung sasabihin ba niya ang totoo o pagtatakpan si Haley.
" Ilang araw po siyang hindi umuwi sa bahay. Kanina lang po siya umuwi." napayuko siya nung sinabi niya yun.
Bakas sa mukha ng lalaki ang matinding guilt. Pakiramdam niya sinumbong niya sa Haley sa ina. Kaya lang hindi niya magawang magsinungaling sa ginang. Natatakot siya.
" Yung boyfriend niya, nagpupunta pa ba sa bahay?" tanong ulit nito.
Natapatingin siya sa amo sa rearview mirror. Napayuko siya nung makita niya na nakatitig ito sa kanya.
"Hindi ko na po nakikita. Magdadalawang linggo na po." sagot nito.
Tumingin siya ulit sa salamin. Kita niya na medyo nag relax ang ginang.
" Pakibilisan Jun, baka makaalis na siya."
Kailangan niyang makausap si Haley. At hindi siya dapat mag aksaya ng panahon.
BINABASA MO ANG
Your Place Or Mine? BOOK VERSION (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)
General FictionOne night with a total stranger. And fate brought them together once again. That's where their whirlwind romance started...