Chapter 20: Confused

298K 2.1K 260
                                    

HALEY'S POV 

Ang bilis ng araw. Monday na naman, birthday ko na sa Sunday. Kasabay nito ang engagement party namin ni Russell. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ng Camille na 'yun. 

Si Ralph ang fiance ko. 

Gusto kong magwala sa galit nung time na yun. Though hindi ko pa nakakausap si Mommy tungkol dito. Nahihiya naman akong magtanong kay Tita Cecille. Hindi ko naman nakausap si Russell nung araw na yun. Bumalik lang kasi siya para ihatid yung kotse ko tapos umalis din ulit kasama nung friend niya, Kevin daw ang pangalan. Ito kasi ang nagmaneho ng kotse ko. 

Hindi ko na siya inantay na bumalik. Naiinis ako sa kanya. Hindi rin siya nagpunta sa condo ko nung araw ding iyon. Bakit naman siya pupunta kung sakali? Nage-expect ba'ko na pupuntahan niya ako? 

Hindi man lang siya nag-text o tumawag man lang. Oo nga pala, 'di naman niya alam ang number ko. Hmp, hindi man lang niya hiningi. 

Naisip ko lang, what's the  difference  kung si Russell o kaya si Ralph ang magiging asawa ko? Tinanggap ko na naman ang bagay na ito bago ko pa malaman na si Russell  ang fiance ko. Simula pa lang, tanggap ko nang hindi ko kilala ang mapapangasawa ko. 

Pero bakit ngayon hindi ko matanggap na si Ralph ang mapapangasawa ko. Dahil ba nalaman ko sa simula pa lang na si Russell na ang fiance ko?

Lintek ka kasi Ralph, 'asan ka na ba? Eh di sana hindi ganito kagulo ang sitwasyon. Sana ikaw na lang ang nakilala ko na fiance ko sa simula pa lang. Ayokong umasa na si Russell ang mapapagasawa ko. I know I feel something for Russell, pero ayokong aminin ito. Kalingan ko itong pigilan habang maaga pa. Ayokong masaktan ulit. 

At palaisipan pa rin sa akin ang sinabi  ni Camille. Hindi sa sinabi niya na engaged sila ni Russell. Kundi ang sinabi niya na hindi arranged ang engagement at marriage nilang dalawa. Ibig sabihin, siya ang gusto ni Russell at siya ang pakakasalan nito. Pero bakit sila pa rin ni Vanessa kung ganun nga? 

Gaya nga siguro ng sabi ni sandok, kahit ilang babae pa ang dumaan sa buhay nito, babalik at babalik pa rin si Russel sa kanya. Anong ibig niyang sabihin? Ano bang meron sa kanya at gusto siya ni Russell? Oo maganda siya pero, excuse me lang ha, ayoko nang magsalita. 

Ang isa pang nakakalito, bakit pumayag si Russell sa engagement namin kung tuloy pa rin naman pala sila sa paghahanap kay Ralph? Pwede naman itong i-move. Oo nga pala, nagmamadali na sila dahil sa venture. The wedding will seal the deal. Dapat mangyari ang kasal before July ends.

Dapat ang kasal namin ay mangyayari siguro pinaka late na ang first week ng August. Pero pwede namang wala munang engagement. Pwede namang mangyari ito ilang araw bago ang kasal. 

Tama, kakausapin ko si mommy na wag munang ituloy ang engagement party namin ni Russell. Antayin muna na makita si Ralph tutal patuloy pa rin naman sila sa paghahanap dito. 

Curios ako, bakit kaya ito nawala? Siguro nalaman niya na ipapakasal siya sa isang babaeng 'di niya gusto. Baka may gusto itong iba? Naiinggit ako sa kanya kung ganun nga. Matapang siya. Ako kasi, wala akong kakayahang gawin yun. Marami akong gustong gawin na hindi para sa sarili ko lang. At hindi ko magagawa yun kung susuway ako sa gusto ng mga magulang ko. 

Naisip ko rin ang posibilidad na baka beki itong si Ralph at nandidiri siyang mgapakasal sa babae. Natawa ako. Tama bang aliwin ang sarili? Nakakaloka na kasi.

Sa cafe muna ako dadaan, magkikita kami ni Jessica. Dapat dun ako sa kanila matutulog kagabi kaso baka hindi rin ako makatulog nang maayos kasi malamang na walang tigil ang bunganga nito sa kakakwento tungkol sa lakad nila ni Tyler. Hindi ko tuloy nakwento yung tungkol sa amin ni Russell. 

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon