Chapter 40: A glimpse of his past...

199K 1.4K 195
                                    

HALEY'S POV

" What are you doing here?"

I was surprised to see Russell outside the classroom.

"Do I need to have a reason para sunduin ka? You're my wife." he smiled.

You're my wife

Sounds like a melody to my ears. And without warning he gave a long lingering kiss. Tumingin agad ako sa paligid nang bitawan niya ako. And I flushed nang makita ko na nakatingin sa amin sina Irish at Reeza. Mabuti na lang at kaming tatlo lang ang naiwan kasi may tinapos kaming group report.

" Wala kami rito. Sige ituloy niyo lang." pakenkoy na sabi ni Reeza.

Nagtawanan kaming tatlo.

" Can I borrow her?" tanong ni Russell sa dalawa.

" Sure! You can borrow me too!" malanding sabi ni Reeza.

Natawa si Russell. Bago pa siya magsalita sumingit na si Irish.

" Uy bruha tumigil ka. Tigilan mo na yang dalawa." Natatawa rin siya. " Sige na mauna na kayo, patapos na rin kami." sabi nito.

At nagpaalam na kami.

"How do you feel now? Gusto mo pumunta pa tayo sa hospital para magpacheck ka?"

Napahinto ako. I texted him that I was having stomach cramps. He must be worried. Natawa ako.

"No need. This is normal. Don't worry I'm fine."

I held his hand and led him to the stairs. "Let's go home."

"Wait..." sabi nito.

I halted. I stared at his face, checking if he's serious. I noticed slight stubbles on his cheeks. Ganun ba siya kabusy at hindi man lang ito makapagshave?

"Why?" nagtatakang tanong nito.

Umiling ako. "Wala naman." I wrinkled my nose. "Ano yun?"

"Mom's asking about the house blessing. Kung kelan daw ba? Sabi ko I'll ask you first. You can talk to her about the preparation."

Oo nga pala. Dapat maayos ko ang busy schedule ko. Wala na akong time sa ibang bagay, pati kay Russell. Hindi pa pala kumpleto ang gamit dun sa bahay. Isisingit ko rin sa schedule ko ang pagbili namin ng mga gamit.

"Why don't we have the house blessing during Sem Break? We're both free then." sabi ko.

"Naisip ko rin yun. We'll have more time para magkaroon para mag ayos. Sabi ni mommy kukuha siya ng architect for the interior design. But I prefer that we should do the design ourselves since tayo naman titira ang dun."

Napangiti ako. Pareho kami mag isip. Ayoko ng mga bahay na gaya ng mga nakikita ko sa mga magasin. Maganda nga pero parang stiff. Hindi na ito mukhang tirahan. Mukhang itong model unit sa mga showroom ng binebentang bahay at mga condo. Gusto ko yung, cozy at comfortable. At gusto ko ako ang mag aayos.

"Yes, tayo personally ang mag aayos. Ayoko ng may ibang nakikialam. We'll do shopping kahit weekdays depende sa schedule mo."

Ngumiti ito. "Sige, I'll clear my schedule next week. Sinabi mo yan ha." sabi nito.

"Ako pa."biro ko sa kanya.

Naiiling na lang ito. Siguro iniisip niya ako nga itong laging walang time. Hindi lang kasi isang beses ako ang cancel ng lakad namin kasi lagi akong nag eextend ng oras sa school.

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon