HALEY'S POV
6 Messages.
Ito ang bumungad saken pagbukas ko ng phone ko. Naging habit ko na ang mag off ng phone nitong mga nakaraang araw. At parang alam ko na kung kanino galing ang mga ito.
Yung isa kay kuya. Tinatanong niya kung kelan ko ibabalik yung Z3. Pambihira. Nasa kanya na nga yung Civic bukod sa kotse niya. Tapos hahanapin pa niya yung Z3. Ano bang problema nito?
Yung isang text galling kay Jessica.
Sorry and I miss you .
Touched naman ako. Alam kong hindi niya ako matitiis. At ganun din naman ako. Naunahan lang niya ako. Babawi ako sa kanya. I will tell her everything. Lahat lahat.
Bahala na. She’s my bestfriend. And I’m sure she won’t judge me. For sleeping with a stranger.
Naalala ko ang expression ng mukha nung lalaki kanina dun sa sinabi ko.
Laugh Trip.
Kulang na lang magblush ang loko. Pati yung mukha ni Vanessa di maipinta.Nakakatuwa silang dalawa. So that guy is her boyfriend. Ang bilis namang magpalit ng boyfriend ng babaeng yun.
Nung kelan lang yung tropa ni Vince ang boyfriend niya, si Nike. Nagpupunta kasi yun sa classroom at sinusundo siya minsan. At minsan pag may lakad ang barkada sinasama ako ni Vince at nakikita ko silang magkasama.
Ewan ko ba. Kahit classmates kami at magbarkada yung mga boyfriends namin kahit kelan di kami naging close. Deadma lang pag nagkikita kami. Pero di ko nakikita yung lalaki na yun na nagpupunta sa classroom. Siguro dahil may bago ng boyfriend si babae, at ang lalaking yun. And if I heard her correctly, she called him Russell. Nice name. Suits him.
I scanned my phone for more messaeges. Yung apat pa na messages kay mommy galing. Puro mga sermon. Ang tyaga niya magtext ha. Siguro dahil hindi niya ako makontak.
One message caught my attention.
Be ready on Friday night. We'll have a dinner party to attend.
May isa pa.
Be at your best. Go and shop for a decent dress.
Be at my best? Duh! I'm always at my best. Sobrang ganda ko kaya. Isa pa ba’t ako magpapaganda puro matatanda lang naman ang mga andun. I’m sure it will be one of those boring parties na napuntahan ko kasama si mommy. Wala silang pinag usapan kundi mga assets and liabilities nila.
Wait. Anong araw na pala ngayon?
"Shocks, July 4 na."
Birthday ko na pala next week. July 15.
My 20th birthday. Parang kelan lang. Virgin pa ko. Charing lang! Parang kahapon lang pala. Natatawa ako sa kalokohan ko. At least medyo gumaan na ang pakiramdam ko.
Nagagawa ko ng tumawa. That’s life. Wala na akong magagawa. It happened so fast. At nalulungkot ako. Pero ewan ko ba, parang balewala na saken ang nangyari kagabi. Maybe I have other concerns. Gaya nung nangyari sa amin ni Vince. Mas nalulungkot ako sa paghihiwalay namin.
Pero parang gumaang na ang pakiramdam ko ngayon. Sabi nga nila pag sobra ka daw nasaktan lalo kaw nagiging matapang at matatag. Sana nga. At nasasaktan pa rin ako. Konting panahon na lang siguro. Hindi kasi ganun kadali ang makalimot.
At kailangan kong maglibang. Makapag mall na nga. Pag shopping talaga walang makakapigil saken. Parang kanina lang masakit ang buong katawan ko at gusto kong magpahinga. Pero ngayon na mood akong lumabas.
Ngshower ako saglit at nagbihis. I picked white blouse at khaki na shorts. I slipped my flops on and I’m good to go.
Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Napangiti ako. Ang ganda ko talaga.
BINABASA MO ANG
Your Place Or Mine? BOOK VERSION (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)
General FictionOne night with a total stranger. And fate brought them together once again. That's where their whirlwind romance started...