Chapter 54: Christmas (Part 2)

170K 1.5K 357
                                    

HALEY'S POV

Halos dalawang oras na ang nakalipas, wala pa rin si Russell. Napako na ako dito sa balcony ng kwarto niya at inaabangan ang pagdating niya. Pakiramdam ko puro varicose veins na ang mga binti at hita ko dahil wala akong tinag sa pagkakatayo.

Hawak ko rin ang phone ko. Inaabangan ko ang tawag niya. Pero mukhang wala siyang balak na tawagan ako o i-text man lang. Masyado ba siyang busy kung nasaan man siya at hindi niya ako naalala?

Wow. So my first Christmas with him went well huh. This is supposed to be a memorable one. And he left me. Unbelievable.

Napaka-importanteng tao nito at nagawa niya akong iwanan sa Pasko. If I hadn't known, kung sino ang kausap ni Russell, hindi ako magkakaganito. Isa itong babae at 'yon ang ayaw magpatahimik ng isip at kalooban ko.

Sino siya at ano kaugnayan nito sa buhay ni Russell? Was she the reason why he was acting weird these past few months? Is she the one he's been hiding all this time? Ngayon na ba masasagot ang mga katanungan at pagdududa sa isip ko? Humigpit ang hawak ko sa baluster ng balcony. Siguro kung malambot lang ito, kanina pa ito durog.

I knew it. He's cheating on me. Noon, sari-saring emosyon ang naramdaman ko. Nandyan ang insecurities at takot na iwanan niya ako. But I love him so much. Sabi ko sa sarili ko, kung sakali man na totoo ang mga hinala ko, patuloy ko siyang mamahalin at handa akong patawarin siya.

Pero ngayon, isa lang ang nararamdaman ko. Matinding galit. Gusto ko siyang sigawan. Suntukin at sabunutan.

Gusto ko siyang hiwalayan.

What have I done? Bakit niya ako ginaganito? Kulang ba pa ang mga ginagawa ko? Masyado ba akong naging mabait sa kanya kaya patuloy niya akong binabalewala?

Gustuhin ko mang umiyak pero ayaw pumatak ng mga luha ko. Gusto kong sumigaw nang malakas. Gusto kong ihagis lahat ng laman ng kwarto niya. Nanginginig ang buong katawan ko. I took another shot of wine straight from the bottle. Halos kalahati na ang naiinom ko. Hinaplos ko ang inosenteng bote at inipon ko lahat ng lakas ko para ibato ito.

Sobrang sakit pala. Hindi ko pa man alam ang buong katotohanan, pero sobra-sobra na ang sakit na nararamdamn ko. Para akong sinasakal at may mabigat na nakadagan sa dibdib ko. Sa tuwing humihinga ako, para akong hinihika. Kinakapos ako sa hangin. Para akong nalulunod. Ganito kaya ang pakiramdam ng naghihingalo at malapit ng mamatay?

I hate this kind of helpless feeling. 'Yung maghintay ng wala. At nagsimula akong maawa sa sarili ko. Umayos ako ng tayo at pinilit kong huminga nang normal. Pumikit ako nang madiin. Hindi ako magpapakagaga dahil lang sa isang lalaking nanloko sa akin.

It's past two in the morning.Wala pa rin siya. Napaupo ulit ako sa isang sulok. Sa hitsura ko ay mapapagkakamalan siguro akong baliw. Heto ako, miserable, habang ang asawa ko ay nasa piling ng ibang babae. Ano kaya ang ginagawa nila sa mga oras na 'to? Kagaya rin ba ng ginagawa naming dalawa kapag ganitong oras?

Napatayo ako. Parang sasabog ang utak ko. Mamatay na sila pareho. Hindi ako dapat nagkakaganito. Shet ka, Russell. Ilang buwan akong nanahimik. Napipikon na 'ko sa kanya. Gusto kong magwala. Ibabato ko sana ang cellphone ko nang may maisip ako. Umandar ang kapilyahan ko.

Bakit hindi? Lihim akong napangiti.

Nag-dial ako sa phone ko. Gagawin ko rin kung ano'ng gusto ko.

"Hello?" parang bagong gising ang boses ng sumagot. Dinig ko pa rin ang malakas na tugtugan sa background.

"Hi!" Pilit kong pinasaya ang boses ko.

Parang nakikinita-kinita kong napalikwas pa ito mula sa pagkakahiga.

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon