Chapter 6: We meet again Part 1

362K 2.8K 109
                                    

Chapter 6

Panay ang tingin ni Russell sa relo niya. Naiinip na siya sa bagal ng oras. Sa totoo lang naisip na niya ang wag pumasok kanina. Tinamad siya at gusto niyang matulog na lang at magpahinga.

Tapos wala pa siyang kakulitan. Hindi niya kaklase si Micah sa subject na ito. Ang boring pa magturo ng teacher nila. Namiss niya tuloy  ang bestfriend niya. Itetext niya ito. Magpapatulong siya sa report niya para bukas. Bakit kailangan pang gumawa kasi ng mga visual aids. Hindi naman siya marunong sa mga ganun.

Dumukot siya sa bulsa para kunin ang cellphone nang makapa niya ang susi ng kotse ng babae. Nilabas niya ito at pinagmasdan. Naisip niya na pwede siyang kasuhan ng carnapping sa ginawa niyang pag gamit sa kotse ng babae. Kung sa ordinaryong pagkakataon ay baka nakareport na ito ngayon sa mga pulis.

Napangiti ulit siya. He is sure she will never do that.  Kung sakali mang gawin niya ito sasbihin niya ang totoong dahilan kung ba't nasa kanya ang kotse. At alam niya na mapapahiya ang babae pag nangyari yun. Pero paano kung palaban ito at ideny niya ang nangyari.

 Nawala ang ngiti sa mga labi niya. Anong magagawa niya wala siyang magamit na sasakyan. Siguro naman hindi na sila aabot pa sa ganun. Alam naman siguro nung babae kung nasaan ang kotse nito. Unless na lang na gaya ito ng iba na pag nalasing walang maalala. Pero hindi siya naniniwala sa ganun. Imposibleng walang maalala ang taong lasing. Ayaw niya rin kasing isipin na hindi maalala ng babae ang nangyari sa kanila. Ayaw niyang isipin na hindi siya maalala ng babae.

And he thinks it's not fair kasi hindi ito mawala sa isip niya. Kahit isang saglit sa buong maghapon. If he could paint, he could’ve made a portrait of her. Memorize na ata niya lahat ng features ng mukha ng babae.

Ang mahabang pilik mata nito. Ang matangos niyang ilong. Ang makinis niyang mukha. Ang manipis nitong mga labi. Pero sa tingin niya parang namaga ito konti kasi pinang gigilan niya ito. Nagkaroon din siya ng pagkakataong pagmasdan ang hubad nitong katawan habang tulog na tulog ito.

Naalala niya ang pakiramdam ng malambot nitong balat ng haplusin niya ilang kissmarks na iniwan niya sa pagitang ng mga dibdib nito. May mag ilang pasa siya sa mga hita niya. A proof that he was a little rough with her. Or maybe her skin is just so sensitive kaya ganun. He knew he was gentle.

 Wala siyang ginawa kundi pagmasdan ang babae hanggang sa makatulog siya. He was even tempted to take a picture of her pero hindi niya ito ginawa. Hindi siya ganun. At sa tingin niya hindi niya kailangan ng picture ng babae dahil malinaw sa alaala niya ng hitsura nito.

Naisip na niya yun. Na baka takasan siya. Kaya ang balak niya antayin ang umaga hangang sa magising ito. Pero hindi na niya kaya ang antok at pagod. That was one hell of a night. It was different from the rest. At tama ang hinala niya. Nagbihis lang siya saglit nawala na ito.
Naisip na niya sana pala hindi na lang siya nagbihis baka naulit pa yung nangyari. Gusto niyang samapalin ang sarili. Kung ano ano tuloy naiisip niya.  Kinuha niya ang phone at tinext siya Micah.

"Mr. Sandoval! Please refrain from using cellphone during my class." huli ka balbon!

Nag angat siya ng mukha. Nakatingin sa kanya ang buong klase. At least this time nahuli siya na gumagamit ng cellphone. Last time kasi nahuli siyang natutulog. Mas nakakahiya yun.
 

"I'm sorry ma'am  It's something important." palusot nito.

 
Inirapan siya ng guro.
 

" You can excuse yourself, madali naman akong kusap. Ang ayoko sa lahat ay yung hindi nakikinig sa klase ko."

 
Binalik na niya ang phone sa bulsa at umayos ng upo.
 

 " I'm sorry." yun lang ang nasabi niya.

Pero hindi siya lumabas. Mamaya na lang niya itetext si Micah. Itinuon niya ang atensyon sa teaccer. Masungit talaga ito. Kaya hanggang nagyon wala pa ring lovelife.  Akala mo kung sinong maganda. Pero hindi nakaligtas kay Russell ang katawan nito. Sexy ang teacher niya. Pero may edad na.

Gusto niyang batukan ang sarili. Pati teacher niya pinag iisipan niya ng kalokohan. Wala sa sariling pinaglaruan nito ang keychain ng babae. Pinaikot niya ito sa isang daliri niya. Tiningnan niya ulit yung letter "H" na keychain. May maliit na bato ito sa upper right side ng letra. Parang maliit na diamond. Totoo kaya ito? Napansin niya yung half lang na heart. May nakasulat.

Vince

She was callinghim Vince while they were kissing. Boyfriend niya kaya ito? O kaya ex.
Ba't siya nagpakalasing nung gabing yun at umiiyak. Baka nag away sila. O kaya nagbreak. Kaya siya pumayag sa ginawa nila kagabi. Kung tutuusin pwede namang tumanggi ito kung ayaw niya. Pero hindi niya ito ginawa.

Kung nagkataong ibang tao ang nakakita sa kanya nung time na yun baka kung ano pa ang ginawa sa kanya. Nakaramdam siya ng guilty. Pero pumayag naman siya. Hindi niya pinilit ito At sa tanang buhay niya wala pa siyang pinipilit na babae pagdating sa ganun. Yung iba willing pa nga.

Hindi nga niya ito pinilit, yun nga lang lasing naman ang babae at parang wala siya sa sarili. She went to bed with a total stranger. Kagaya ng mga madalas mapanood sa  movies.

Hindi siya ordinaryong babae. Makikita mo ito sa mga gamit niya. At sa kilos. Napansin na ito ni Russell pagpasok pa lang niya ng bar. She moves gracefully. Gaya ng mga model sa runway. Mukhang suplada at may attitude. Pero maganda talaga ang babae. At ang ganda ng katawan niya. Lalo na yung...............

"Ok class see you tomorrow. And prepare for a short quiz."

Bad trip. Panira ng imagination. Pero natutuwa si Russell at natapos din ang last subject niya. Dinial niya agad ang number ni Micah paglabas niya ng room.

"Hey, busy ka ba maya?" naglalakad na siya papuntang parking lot.

Ang pagkakataon nga naman, busy daw si Micah.
 

"Ah ganun ba?" Mag rereview siya.

Nag isip na siya kung kanino magpapatulong sa report niya.
 

"Ah ok. Magpapatulong sana ako. Pero ok lang. Magreview ka na muna"

Binaba na niya ang phone nya. Pag minamalas nga naman. Actually hindi lang ito ang pakay niya kay Micah. Magpapatulong din sana siyang daanan ang kotse niya sa bar. Pero saan niya dadalhin ang kotse nung babae pagtapos? Kailangan na rin niyang makuha ang kotse niya.

Nag vibrate ang phone bago pa niya ito maibalik sa bulsa niya. Pinagmasdan niya ang screen ng phone.
 

 
Vanessa calling.....

Patay. Di nga pala niya ito nadaanan kagabi. Nagdadalawang isip siya kung sasagutin ba niya ito. Hindi niya ito sinagot. Binalik niya ang phone sa bulsa niya. Wala siya sa mood kausapin ito. Sigurado siya na  marami na naman itong tanong. At sa totoo lang kaya ayaw niyang kausapin ito dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot niya.

Alam niya naman actually ang isasagot kung sakaling magtanong ito, kaso kaya ba bang sabihin sa kanya ang totoo. Wala pa kasing maisip si Russell na magandang dahilan sa kanya kung ba't hindi siya nakadaan kagabi. Hindi man lang niya natawagan ang babae. Nawala ng tuluyan sa isip niya si Vanessa.

Nagmamadali niyang tinungo ang parking lot. Kailangan na niyang makauwi agad baka makita pa niya ito. Papalapit siya sa gray na Altis nang mapansin ang isang babae na nakasandal dito. Nakatalikod ito. Medyo matangkad ito. Maiksi ang buhok. Familiar.

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon