HALEY'S POV
"Handa na daw po ba kayo?"
Sumungaw sa pinto ng kwarto ko si ate Myrna, kasama namin sa bahay.
"Susunod na'ko. " maikli kong sagot.
I grabbed my purse and put on my shawl. Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin. Light lang ang make up ko. Nilagyan ko lang ng konting shadow ng lilac ang mga mata ko to match my dress. Inayos ko ang shawl sa balikat ko. Bare back ksi ang suot ko.
Ilang araw na lang pala engaged na'ko. I'm getting married in few weeks. Ngayon ko makikilala ang aking fiancee. Isang lalaki na buong buhay ko ngayon ko lang makikita.
Ano kaya ang histura niya? Gwapo ba siya? Matangkad ba? Sexy ba ito? Habang iniisip ko ang mga tanong na ito, dalawang lalaki ang pumapasok sa isip ko. Dalawang lalaki na ngkaroon ng kaugnayan sa aking buhay. Si Vince at si Russell.
Si Vince. He taught me how to love and be loved.
Si Russell. He made me feel wanted and desired.
Nakakatawa. Nakuha ko pang mag isip ng ibang lalaki. Siguro inaaliw ko na lang ang sarili ko. Swerte ba ako o malas?
Swerte daw ako kasi pinanganak akong mayaman. Nukukuha ko lahat ng gusto ko. Mga bagay na kayang bilhin ng pera.
Sabi ko sa sarili ko malas naman ako kasi wala akong kalayaang mamimili ng lalaking gusto kong makasama habang buhay.
Ano kayang pakiramdam ng may asawa? Pag tulog at pag gising siya ang makikita mo. Kasabay mo sa pagkain. Kasama mong bumuo ng pamilya. Kasama mo hanggang pagtanda mo. Siguro nangyayari ito sa normal na mag asawa. At mukhang hindi ko ito mararanasan.
Huminga na'ko ng malalim. At bumaba na'ko. Nakaupo si sofa si mommy. Napakaganda niya sa suot na black long gown. Lumitaw lalo ang kaputian niya. Strapless ito. May slit na mahaba sa left side.
Bumagay sa kanya ang mga soft curls ng maiksing buhok nito. Daig pa'ko. Effort talaga nakuha pang magpa salon. Ngumiti siya ng makita ako.
Pinagmasdan niya ko.
"You are so beautiful!" proud na sabi nito.
Ngumit ako ng pilit.
"I know mom. " sabay irap sa kanya.
Nawala ang ngiti sa mukha niya. Napalitan ng pag aalala.
"Honey, look I know this is hard for you, but this is for the best for all of us." paliwanag nito.
For all of us? O best para sa inyo lang.
"Don't worry mom. I won't do anything stupid." sarcastic kong sabi.
"That's not what I mean." depensa nito.
"Mom please. Kahit anong pa ang sabihin niyo nothing will change. But I am keeping promise. Susunod ako sa lahat ng gusto nyo during engagement and before the wedding. Pero after nun pwede ko ng gawin ang gusto ko." madiin kong sabi.
Yun lang naman ang importante sa kanila. Maging legal sa papel ang lahat. Concern pa ba siya kung ano ang magiging buhay ko pagkatapos ng kasal. Kung magiging masaya ba'ko.
Di sana naisip niya yun bago niya ako iset up sa punyetang kalokohan na'to. Tapos sasabihin niya saken, it's for the best. Sarap lang murahin. Kung di ko lang nanay to eh.
"Ma'am handa na po ang kotse." si Mang Berting.
Sabay kaming napalingon ni mommy.
"Salamat ho." tumingin siya akin.
BINABASA MO ANG
Your Place Or Mine? BOOK VERSION (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)
Ficción GeneralOne night with a total stranger. And fate brought them together once again. That's where their whirlwind romance started...