HALEY'S POV
Ganun ba talaga kadaling nawala ang feelings ko sa kanya? Nakamove on na ba talaga ako? Ang bilis naman yata. Bakit ba ganito ang pakiramdam ko? I feel like I cheated on Vince.
Kasalanan ko ba kung ba't di na'ko masyadong nasasaktan pag naalala ko siya? Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot sa ipinagtapat niya sakin. Kahit saang anggulo mo tingnan, kasalanan niya ang nangyari. Naduwag siya na kausapin ako.
Pero, parang wala naman kaming pinagsamahan. Masyadong niyang minaliit ang kakayahan ko na intindihin siya. Ganun pa man, wala na ring magbabago. Ito ang kapalaran ko.
Ayoko munang isipin ang tungkol samin ni Vince. May iba akong concern ngayon. Pupuntahan ko si Mommy sa office niya, tutal wala naman akong klase sa last two subjects ko.
"Is it true, mom?"
Nagtatanong ang mga mata niya. Nagulat siguro siya sa pagsulpot ko sa office niya. 'Di ko man lang siya binati o hinalikan.
"That Russell is not my fiance?"
Natigilan siya.
"Who told you that?" tanong nito.
"Is it important? I'm asking you, is it true?!" lumakas ang boses ko.
Lumapit siya sakin.
"Honey, let me explain," sabi nito.
"So, it's true! Why didn't you tell me? !" sigaw ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin nang masama as if she's giving me a warming not to raise my voice again.
"I didn't know at first," lumakas na rin ang boses nito.
Ako naman ang natigilan.
"Nung umalis ka sa table dun sa party, Ces told me that you're fiance is supposed to be his eldest. But he's missing. So they had Russell as a replacement. And they are hoping to find him before the engagement party," mahabang paliwanag nito.
Kaya pala pagbalik ko that time, parang uneasy sila.
"Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin, mom?" puno pa rin ng hinanakit ang boses ko.
Napahinto siya saglit.
"Because Russell said so," sagot nito.
"What?!" gulat kong tanong.
"He said that you don't have to know. That he'll be your fiance and he'll marry you," nakangiting sabi nito.
Unbelievable. At bakit siya nakangiti?
"At sinunod niyo naman siya?" tanong ko.
"Why not? He has a point. It's better that you don't know," kampanteng sabi nito.
"Then what mom? Si Russell ang ipapakilala niyo sa engagement party ko, tapos iba ang sisipot sa kasal ko?" What the hell?!
"I don't think that's gonna happen, my dear. Sabi ni Russell, siya ang magpapakasal sa'yo kahit na mahanap pa nila si Ralph. I think, and I could be wrong, pero siguro kaya rin nila pinapahanap si Ralph ay dahil baka hindi kakayanin ni Russell mag-isa ang pagma-manage ng mga business nila."
Gusto akong pakasalan ni Russell. Bakit?
"And you know what, I have a good feeling about this boy," she smiled. "I think he likes you."
Parang nahulaan niya ang nasa isip ko. Napailing na lang ako.
"Mom, please don't imagine things. I barely knew this guy," sabi ko.
BINABASA MO ANG
Your Place Or Mine? BOOK VERSION (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)
Художественная прозаOne night with a total stranger. And fate brought them together once again. That's where their whirlwind romance started...