HALEY'S POV
I started to worry. Russell did not mention anything about the wedding. At ayoko siyang kulitin. He has other concerns too. Two of their hotels' provincial branches have issues. One branch in Cebu, it's under strike. And the other in Zamboanga, nagkasunog at may mga casualties. Nauna na sila tito Ronald at tita Cecille sa magkahiwalay na biyahe. Next week susunod si Ralph at Russell. They will stay there for three days, so they'll be back the night before the wedding.
Mom suggested to postpone the wedding. Kahit two weeks lang. At natuwa ako sa kanya. I know she's trying to find a way to delay it. But tito Ronald insisted. Isang araw lang naman daw ito. Besides may wedding planner kaya mabilis ang preparation. Kaya tuloy na tuloy na talaga.
Ralph and Russell are left with bunch of responsibilities simula nung umalis ang parents nila. Madalas late na umuuwi si Russell. I can't open up the topic to Russell. Minsan kasi late na siya umuuwi. And when he's here, he's busy with his laptop at hindi makausap ng matino. Pag wala siyang ginagawa, lagi namang may kausap sa phone at madalas na tumataas ang boses nito o kaya sumisigaw. I've seen the other side of Russell. Being a boss. Ibang iba ito sa Russell na kilala ko, na isang estudyante.
Kapag busy siya, ako naman ang hindi mapakali. Paroo't parito ako sa harap niya. I wanted to talk to him about the wedding. Pero ayokong isipin niya na wala akong pakialam sa ibang bagay bukod sa kasal ko.
Malapit na kasi ang kasal namin ni Ralph. At hindi ako matahimik. Gusto kong kausapin si Ralph. Na pabayaan na lang kami ni Russell. Because I love him. If he wants money in exchange for it, I'll give him my trust fund. Even my shares in our company. Pati mana ko kung gusto niya, kanya na rin.
Ano pa ba? Am I that desperate? At ako ba dapat ang nag iisip ng paraan? Anong ginagawa ng lalaking hot at gwapo na nasa harap ko ngayon? Wala! At binagsak ko ang mga notes ko mesa. Napatingin sa akin si Russell. Nakakunot ang noo nito.
Na carried away yata ako sa iniisip ko. Binigyan ko siya ng isang plastic na ngiti. Umiling ito. Baka isipin niya nababaliw na ako. Actually, malapit na. I don't know what to do.
Hanggang sa dumating ang araw ng pag alis nila ni Ralph. Aalis na si Russell nang hindi ko man lang nakakausap.
I was doing a last minute check kung ano ang mga dapat niyang dalhin papuntang Zamboanga. At paulit ulit naman siya sa mga bilin niya, na akala mo bata ang kausap.
"Check if the door is locked bago ka matulog. Remember, lock your room. I'll advise the guards downstairs na wag magpaakyat ng visitors after 11pm. So if someone knocks after 11pm, call the guardhouse okay." sabi nito habang sinusuot ang long sleeves niya.
Tumawa ako.
"Yes sir!" biro ko.
"Look, this is not a joke. I'm serious especially wala ako ng ilang araw." seryoso siyang tumingin sa akin.
Paanong hindi ako matatawa, baka nakakalimutan niya, I've been in this been place, living alone for 2 years.
"Okay." sinabi ko na lang para hindi na humaba pa ang usapan.
Lumapit ako sa kanya. I buttoned his long sleeves. And he was looking at me.
"There." sabi ko. "Are you not going to wear a tie?"
Hinawakan niya ang mga kamay ko.
"I don't wear one." sabi nito.
Oo nga pala.
"Mag iingat ka dun ah." sabi ko sa kanya.
Tumango ito at ngumiti.
"You too."
BINABASA MO ANG
Your Place Or Mine? BOOK VERSION (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)
General FictionOne night with a total stranger. And fate brought them together once again. That's where their whirlwind romance started...