Chapter 45: All About Trust

186K 1.5K 214
                                    

MICAH'S POV

"She's asking a lot," sabi ni Russell.

I rolled my eyes. "I warned you before. Imposibleng hindi maghinala yung tao kapag ganong oras lagi ang uwi mo."

Ano'ng tingin niya kay Haley, walang pakiramdam? At hindi nito mahahalata ang pag-uwi niya ng late? Sometimes, he sneaked at dawn. Sino'ng hindi maghihinala? When he called me to meet him at pina-absent ako sa trabaho ko, I knew it. He's in trouble.

" Damn..." he cursed silently.

Gusto kong matawa. Hindi ito mapakali. Kanina pa paroo't-parito, parang trumpo.

"Maupo ka nga. Kanina pa 'ko nahihilo sa'yo."

Pero hindi niya ako pinansin.

"Ano'ng sinabi mo sa kanya?" tanong ko.

Umupo ito sa tabi ko at napahawak siya nang madiin sa ulo niya. Parang gusto niyang sabunutan ang sarili.

" What do you expect? Umamin ako?"

"My God, Russell! Hanggang kailan ka magsisinungaling sa kanya?"

Hindi ito sumagot. Tumayo siya at pumunta sa tapat ng balcony. Then, he faced me.

" I need your help."

Parang alam ko na'to. At ayokong madamay. Especially, if that woman is involved. She's long gone. Pero hanggang ngayon, napakabigat pa rin ng dugo ko sa kanya.

"So?" Nagkunwari akong walang alam sa sasabihin niya.

He sighed. "I want you to handle everything for me. I can't be home late sa mga sususnod na araw. Kailangan kong magpalamig muna."

Handle everything? I was dumbfounded. What about my work? And did I say something about me doesn't want to get involved?

"Quit your job," he demanded.

"What?!"

Just like that? No way! Marami akong binabayaran. At ano'ng binabalak niya? Ibabahay niya ako at susustentuhan? Napakabata ko pa para magkaroon ng sugar daddy.

"I'll take care of your finances. I mean, ALL. Please, just do this for me."

Ayan na naman siya sa papungay-pungay ng mga mata niya. Hindi ko malaman kung nagpapaawa siya o nagpapa-cute. Hindi ako kailangang magpaapekto sa charm niya. Kahit madalas ay napapa-oo na lang ako sa mga gusto niya. Pero hindi ngayon. Kailangan kong mag-isip. Isang malaking responsibilidad ang aakuin ko.

"'Yan na nga ba'ng sinasabi ko eh. Hindi ba pinagsabihan na kita? Kung nakinig ka, sana wala kang problema ngayon."

Ang tigas ng ulo. I know he's just trying to help, but he should know when to stop. And I think, he's done enough.

"I know. 'Wag ka nang magalit. Pumayag ka na, please. Papahiramin din kita ng kotse."

Lihim akong napangiti. He knew my weakness. Matagal na rin akong walang sasakyan. At alam niyang nahihirapan akong mag-commute. Pero teka, hiram lang? Hindi bigay? But, not bad. At least, may magagamit ako. At sagot niya raw lahat ng gastos ko. Kailangan ko ng sapat na panahon para makapag-isip.

"Kelan naman ako magsisimula?" tanong ko sabay irap.

In five seconds, nakapag-isip agad ako. Mahirap na, baka magbago pa ang isip niya. Sayang naman yung kotse at ang pagsagot niya sa lahat ng gastusin ko.

Gusto kong tumalon sa tuwa. Kilala ko si Russell. He's very generous. Kakalimutan ko na muna ang personal kong galit sa babaeng 'yon. Anyway, hindi naman siya directly ang tutulungan ko, si Russell, kaya okay lang.

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon