Chapter 49: FB

181K 1.4K 278
                                    

MICAH'S POV

One week nang hindi nagpapakita si Hans. Hindi ko alam kung bakit. Iniiwasan ba niya ako? May nagawa ba akong mali? Naguguluhan ako sa mga kinikilos niya.

"Kanina ka pa parang wala sa sarili mo." Si Russell.

At muntik na akong mapalundag sa sobrang gulat. "May sinasabi ka ba?" tanong ko.

Nangingiti ito. "Wala naman. Napapansin ko lang madalas kang nakatingin sa malayo at parang may malalim na iniisip."

Malakas ang pakiramdam ni Russell. Minsan, alam kong dinadaan niya lang sa biro ang lahat. Alam niyang may tinatago ako sa kanya. At napapadalas ang mga tanong niya ng kung anu-ano. Kalalaking tao, tsismoso.

Pero hindi ko sasabihin sa kanya ang pagtira ko sa condo ni Hans. Hindi rin naman ako magtatagal do'n.

"Ba't mo nga pala ako pinatawag? May kailangan ka ba?" Iniba ko ang usapan. Pero alam ko na kung bakit.

"Wala naman," sabi nito. "How is she?"

Umiling lang ako.

Gusto kong sabihing naghihintay na lang siya ng oras niya. Tumatakbo ang pera ni Russell ng walang katuturan. Sabi ng doctor, life support na lang ang bumubuhay sa kanya. At wala kami sa posisyon ni Russell para magdesisyon kung kelan ito tatanggalin. Hindi kami immediate family.

"Russell just in case–" I would like to ask him, in case mamatay ang matanda, anong gagawin niya.

Mas mahirap 'yon. Dahil si Russell ang mag-aayos ng funeral services at mahirap magdesisyon kung saan ito ililibing.

"I found her."

Pero hindi niya pinatapos ang sasabihin ko.

He found her. Kung noon ayoko nang makita pa niya ang babaeng 'yon, pero sa sitwasyon ngayon ito ang hinihiling kong mangyari. Gusto ko nang mawala sa kamay ni Russell ang responsibilidad. At pati ako nadadamay.

"Then what are you waiting for? We're running out of time. Anytime pwedeng mamatay 'yung matanda."

There. I said it. Kahit na hindi ko siya gusto, kahit papano gusto pa rin naman silang magkitang mag-ina. Habang buhay pa ang matanda.

"Hindi ganon kadali. She's out of the country. And I can't leave. Anong idadahilan ko kay Haley pag umalis ako?"

Problema nga 'yan. At may isa pa akong nakikitang problema. Alam kong mahal niya si Haley. Pero ngayon, nag-aalala ako sa muli nilang pagkikita ng babaeng 'yon. Hindi ko makalimutan ang sagot niya na, "I don't know," nung tinanong ko siya kung mahal pa niya ito.

Natatakot ako para kay Haley. Pa'no kung sa pagkikita nilang muli, ma-realized ni Russell na mahal pa pala niya ang walang kwentang babaeng 'yon?

Maloloka na yata ako. Bakit pati ako nadadamay sa ganitong mga problema? May sarili di naman akong buhay.

At lovelife.

Meron nga ba ba?

Wala pa.

Magkakaroon pa lang.

Sana.

At ayokong mag-ilusyon.

"This is the very last favor, I promise," pakiusap nito.

Parang alam ko na ang sasabihin niya.


***

HALEY'S POV

First week of school, at wala talagang magawa kapag weekend. Homeworks' done. Now what? Nakakatamad lumabas lalo na kapag wala akong kasama. Busy kasi si Russell sa practice.

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon