Chapter 62: Reese Is Home

184K 2.2K 738
                                    

HALEY'S POV

It's been three years since I left. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang pamilyar na paligid. It's good to be back. Nakaka-miss.

Amazed na amazed si Reese na nakatingin sa iba't ibang kulay ng mga street lights.

I'm home. We're home.

"Look! It's Santa!" sigaw nito.

Nakaturo siya sa malaking imahe ng Santa Claus bago tumawid ng intersection. Ang bilis ng panahon. Pasko na naman. Reese will turn three on December 23rd. Yes, I gave birth two days before Christmas.

Naalala ko naman ang Pasko. I may not have the best Christmas with Russell but I couldn't imagine how my Christmas would be like without him. I was really thankful Reese came earlier. And that made my life even easier. She's more than a gift. She's such a blessing. An angel. My lucky charm. She is my life.

I pulled her closer to my side. At hindi maalis ang tingin niya sa mga ilaw sa kalsada na tila aliw na aliw siya rito. Naninibago siya sa paligid. Sinusundan niya ng tingin ang bawat dyip na makita.

"Are you excited to see Daddy?" tanong ko.

Namilog ang mga mata nito.

"Yes! Daddy!" tili niya at nagpupumilit tumalon habang nakaupo.

Nagpilit siyang tumayo pero hirap siya sa bigat ng katawan niya. Siksik ito at malaki siya para sa age niya. She got tired of how many attempts to stand up. Kaya umupo ito sa kandungan ko. Then she started pulling my hair.

I had it cut only twice since I left. I maintain its length down to my waist. Nagsawa na ako sa straight, so I switched to soft curls and chose a light brown shade. I have pure hazel contacts to match my hair. Lagi akong napagkakamalang French nung nasa Paris ako at kinakausap ako ng French. Hinda raw ako mukhang Pinay.

"Baby, stop that." At sinusubo naman ang buhok ko.

So I tied it up. Natigilan siya sa ginawa ko. Pinisil ko siya sa pisngi. Kumunot ang noo nito. And I see a mini Russell. Wala man lang nakuha sa features ko ang batang 'to. 'Yung ilong siguro kasi hindi masyadong matangos ang ilong ko ng baby ako. At siguro 'yung pagiging maldita ko at sutil. Kinarga ko siya bago pa ito umiyak.

My dress went up and my cycling peeked. Napaiksi yata ang suot kong dress. Russell won't be pleased. This is the longest that I found. And this is what I like. I want to wear light colors when I travel. And this white dress with black pipe lining is perfect.

Nakakainis. Naisip ko pa talaga si Russell. Pinagalitan ko ang sarili ko. Bakit ko ba naisip 'yon? I'm sure wala na siyang pakiaalam kahit lumabas ang kaluluwa ko sa suot ko.

Lumakas ang tibok ng dibdib ko nang matanaw ko ang gate ng bahay nila Russell. Driver lang ang sumundo sa amin ni Reese sa airport. And I preferred it that way kahit na labag sa kalooban ng Mommy ni Russell.

And the closer we get to the gate, my heart keeps on hammering. Pumarada ang sasakyan sa driveway. Sinuyod agad ng mga mata ko ang mga kotse sa garahe. Wala ang kotse ni Russell. Ibig sabihin wala ito. Na-disappoint ako. I may be hopeful that I'd see him today. But on the other hand, nagpapasalamat ako. I don't think I'm ready to face him yet. I have to deal with his parents first.

Pero, naisip ko lang, paano kung nagpalit si Russell ng kotse? Meaning, one of these cars coud be his. Meaning, he could be here. I think I should start praying.

Bumusina ang kotse ng tatlong beses. Ilang sandali pa ay lumabas sa gate ang Mommy ni Russell kasabay ang isang kasambahay para buksan ng tuluyan ang gate na ikinagulat ko. Akalo ko maid lang ang lalabas para buksan ang gate.

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon