Chapter 2: Agreement

933 91 5
                                    

Red's POV

Kauuwi ko lang galing sa condo ni Ren nung makita ko si dad na nakaupo sa may salas.

"Son.." Tawag niya. Lumingon naman ako at hinintay ang
sasabihin niya.

"Can we talk?" He asked.

I nodded as a response. We went to his office and talked about a lot of things. Nalaman ko rin na unti-unti nang bumabagsak ang aming kompanya.

"..kaya sana naman anak, pagbigyan mo na ako sa hiling kong ito. Ikaw nalang ang inaasahan ko." He said in a low tone.

Pinag-isipan ko muna kung anong magiging consequence kapag tinanggap ko ang offer ni daddy. Hmm, if I will accept my father's proposal to me, hindi ko na magagawa ang mga bagay na gusto kong gawin. Hindi ko narin mabibigyan ng maraming panahon ang minamahal kong mga kaibigan at kaklase, at higit sa lahat, hindi na ako makakapag laro ng Clash of Clan. (-__-)

"So, anong masasabi mo?" Tanong ni dad na parang nagrerecruit ng magiging client niya.

"I will accept it but.." May pag-aalinlangan kong tugon. Nakita kong nagliwanag ang mukha niya nung marinig ang sinabi ko.

"Anong malay ko sa pagpapatakbo ng negosyo dad? I don't even know that thing!"

Tumawa naman siya nung marinig niya ito. (=__=)

"Don't worry, I will help you." Sabi niya at ginulo ang maganda kong buhok.

"I'm only 18 and just a high school student. How can I know about such thing like that?" Sabi ko at tinanggal ang kamay niya sa buhok ko.

"You're not high schooler anymore. You're in senior high now. I know you can do it. I'm your dad so believe me."

"It's just the same thing! I'm still a high school student who doesn't know anything."

"Okay, fine. I'll give you time to think of it."

"Sure." Sabi ko at lumakad na palabas ng office ni daddy. Dumiretso na ako sa kwarto at natulog narin.

Kinabukasan..


"Ikaw talagang bata ka! Kailan ba magtitino yang pag-iisip mo ha?!" Sigaw nung babae dun sa estudyante habang pinipingot ang tenga nito. Aish. Umagang-umaga ganito agad ang bumungad sa akin. (-__-)

"Arayy! Ate, siya naman yung panguna e! Siya ang may kasalanan nito!" Sabi nung student dun sa ate niya daw.

"Huwag ka nang magpaliwanag! You're grounded!"

"Ate naman.. Sorry na.. hindi na mauulit! Promise."

Tinanggal niya ang kamay niya sa tenga nito pagkatapos niyang marinig yun.

"T-talaga? Pinky promise?" She asked.

"Pinky promise!" Sabi nito at nakipag pinky promise dun sa weird niyang kapatid.

Kalokohan. Makaalis na nga. Magsisimula na sana akong maglakad nung marinig kong tinawag ako nung babae.

"My loves!" Narindi bigla ang tenga ko nung marinig ko ang boses ng babaeng ito na umalingawngaw sa buong campus este sa hallway.

Lumingon ako at nakita si Kye Cee na nakatingin sa direksyon ko. Psh. Hindi na ako magtataka kung bakit siya pinapunta sa Guidance Office at napagalitan nung weird niyang ate.

"Anong my loves ang pinagsasabi mo?! Ikaw talaga! Tayo na nga." Sabi nung ate niya at kinaladkad siya paalis. Mabuti nalang hindi niya ako nilapitan. 

"Oh, bro! Mabuti naman at dumating ka na." Bungad ni Gray nung makapasok na ako sa classroom.

"Anong meron?" Tanong ko sa kanya habang nilalapag ang aking bag sa upuan.

"Pakopya naman ng assignment mo oh." Binatukan ko siya nung marinig ko 'yun.

"Oh, para saan naman 'yun?" Tanong niya habang hinihimas ang batok niya.

"Kaya nga inagahan ko ang pagpasok, mangongopya sana ako sayo!" Sabi ko. Binatukan niya rin ako nung marinig niya yun.

"Aish!" Inis niyang sabi at umupo nalang sa seat niya.

Actually, magkakahanay lang naman kami sa isang row kaya nakakapag-usap kami ng malapitan.

"Sky, my hero!" Sigaw ni Gray sa kapapasok lang na si Sky.

"Anong meron?" Tanong niya. Teka, yun din ang sinabi ko nung tinawag ako ni Gray kanina.

"Pakopya naman ng assignment mo oh." Binatukan niya rin si Gray nung marinig niya ito.

"Oh, para saan naman yun?" Tanong ni Gray habang hinihimas ang batok niya.

"Kaya nga inagahan ko ang pagpasok, mangongopya sana ako sayo!" Sabi niya.

At katulad ng nangyari kanina, binatukan rin ni Gray si Sky. Matapos ang batukan portion nila, nagkatinginan kaming tatlo at sabay-sabay kaming..

"Hahahahahahah!" Sabay-sabay kaming tumawa.

After ng last session, nagsiuwian na kami. Pagkarating sa bahay, nakita kong nakaupo sa sofa si daddy. Tutuloy na sana ako papunta sa aking kwarto nung tinawag niya ako.

"What is it dad?" Tanong ko habang lumalakad patungo sa kanya.

"Have you decided already?"

"Well, I guess." Sabi ko habang pinapasok ang dalawa kong kamay sa aking bulsa.

"A-are you sure, son?" Hindi makapaniwalang tanong ni dad.

"Yes, pero sa isang kondisyon." I said.

"What condition?" He asked.

Tumingin muna ako sa kanya bago sumagot..

----------

"Good morning, Mr. Rodriguez!" Sabay-sabay naming bati sa kararating lang naming teacher.

"Good morning, class. You may take your seat." Sabi niya at pinaupo na kami.

"Thank you, sir." Class

"I'll check the attendance now." Sabi ni sir at sinimulan ng tawagin ang pangalan ng bawat isa. Nung malapit nang tawagin ang pangalan ko, hinanda ko na ang aking bag at sinabit sa aking balikat.

"..Santos, Ken.. Salceda, Nicole.. Smith, Red Thunder.."

"Yes, Sir!" Sabi ko at tumayo.

"..Torrente, John Michael.. Villarazo, Hanna.. Vi-" Napatigil bigla si sir nung mapansin niyang nakatayo parin ako. "Oh, bakit di ka pa umuupo?" Tanong niya. Umakto ako na parang naiihi.

"Sir, may I go out?" I asked.

"Of course you may." Tugon niya nung mapansin niyang kailangan ko ng pumunta ng banyo.

"Thank you, sir." Sabi ko at akmang lalabas na sana sa room nung makita niyang dala ko ang gamit ko.

"Kailangan pa bang dalhin ang bag sa Comfort Room, Mr. Smith?" Sir Rodriguez

"Yes, sir. Sabay po kaming iihi. Heheh.." Sabi ko at patakbong lumakad palabas ng room. Tch. Anong klaseng excuse yun?

Tumakbo na ako patungo sa labas ng campus at tinalon ang gate ng aming school. Sanay na ako sa ganitong gawain kaya sanay narin akong masaktan sa tuwing ginagawa ko 'to. Hugot.

Pagkarating ko sa aking destinasyon, pumasok ako sa isang apartment at nagpalit ng damit. After kong maisuot ang get-up suit ko, tumingin ako sa salamin at inayos ang aking neck tie, inilagay ang aking I.D at inayos ang aking buhok. Woah. Ibang tao yata ang nakikita ko ngayon sa aking harapan.

"Ang gwapo ko talaga." Sabi ko at nag pogi sign.

Matapos ang ilang minuto, nagready narin ako patungo sa aking pupuntahan.

"I'm ready." I said before I went inside the building.

My Boss is a High Schooler?! [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon