Chapter 19: Ren Tyler

337 82 4
                                    

Ren's POV

Pumasok ako ng maaga sa trabaho para matapos ko agad ang dapat kong gawin.

"Sir, pinapatawag nyo daw po ako?" Sabi ng kapapasok lang na si Tiffany.

"Yes, could you please make me a copy of this?" Sabi ko at inabot sa kanya ang papel.

"I'll do it right away, sir!" Sabi niya at nakangiting lumabas sa office.

Maya-maya, pumasok siya na dala ang mga papel na pinaphoto copy niya.

"Thank you. You may now leave." Sabi ko at nagpatuloy sa aking ginagawa.

"O-okay sir." Sabi niya at padabog na umalis.

Hindi nagtagal, natapos ko narin ang aking proposal para sa new project ng TECH company.

Lumabas na ako ng office. Ngunit bago ako tuluyang makaalis sa department namin, napasulyap ako saglit sa table ni Miss Kari. Lumapit ako at kinausap siya.

"Miss Kari." Tawag ko sa pangalan niya.

Lumingon siya sa akin at ngumiti.

Isang pilit na ngiti.

"Is there any problem?" Nag-aalala kong tanong.

Umiling lang siya at nagpatuloy lang sa kanyang trabaho. Napansin kong nanginginig ang kamay niya habang nagtytype siya sa keyboard.

Hinawakan ko siya sa noo.

"You're burning." Sabi ko at inalalayan siya. Tuluyan na siyang nanghina.

Binuhat ko siya at nilabas sa office.

"A-ano pong nangyari?" Tanong nila.

"She's sick." Sabi ko at tuluyan ng lumabas.

Pinasok ko siya sa kotse at nilagyan ng seatbelt.

"Tss. May sakit ka na pero nagtratrabaho ka pa." Sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Nagsimula na akong magmaneho.

Saan ko siya dadalhin?

Pinarada ko na ang aking kotse at dinala siya sa aking condo. Wala akong choice kaya dito ko na siya dinala.

Pagpasok ko, agad ko siya hiniga sa kama. Kumuha ako ng malamig na tubig at isang face towel. Nilagay ko ito sa noo niya. Kinumutan ko rin siya dahil nilalamig siya.

Pumunta ako sa kusina nung masigurado kong okay na siya. Nagluto ako ng porridge. Pagkatapos, bumalik na ako at tiningnan kung bumababa na ba ang lagnat niya.

"Kari.." Tawag ko sa kanya.

Minulat niya ang mata niya.

"S-sir." Mahina niyang sabi.

"Kaya mo bang umupo?" Tanong ko.

Tumango lang siya.

"H-hindi na sana kayo nag abala pa." Sabi niya.

Tumingin siya sa buong paligid.

"N-nasaan po tayo sir?" Tanong niya.

"Nasa condo ko. Huwag kang mag-alala, once na magaan na ang pakiramdam mo.. pwede ka ng umalis."

"Ganun po ba.."

"Here." Sabi ko at sinubuan siya.

After niyang maubos ang pagkain, pinainom ko na siya ng gamot at pinalitan ulit ang face towel na nakalagay sa noo niya.

My Boss is a High Schooler?! [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon