Chapter 30: Love, it can hurt

279 80 4
                                    

Sky's POV


Isang linggo nalang bago ang graduation pero hanggang ngayon, wala paring pagbabagong nangyayari sa kaibigan namin.

Nagsimula siyang maging cold right after nung examination namin. After nung pumunta kami sa paborito naming food house at nakita si Kuya Ren kasama si Miss Kari.

Akala namin, pansamantala lang na magiging ganyan siya.. hindi pala. Tsk tsk tsk. Pag-ibig nga naman. (-__-)

Nakita ko si Kye sa may green ground ng school. Nakaupo siya mag-isa sa bench. Lumapit ako at kinausap siya.

"Hey," Bungad ko nung makaupo na ako.

Hindi man lang siya lumingon upang tingnan ako. Ouch.

"K-kamusta?" Tanong ko.

Hindi parin siya nagsasalita. Tahimik lang siya habang nakatingin sa kawalan. Mukhang gusto niyang mapag-isa.

Tatayo na sana ako nung bigla siyang nagsalita.

"Huwag mo akong iwan.." Sambit niya.

Tumingin ako sa kanya at hinintay ang susunod niyang sasabihin. Hindi siya nagsalita bagkus umiyak lang siya. Lumapit ako at umupo sa tabi niya.

"Sige, ilabas mo lang yan.." Sabi ko.

Umiyak lang siya ng umiyak. Isinandal ko ang ulo niya sa balikat ko at hinimas ang buhok niya.

"Huwag kang mag-alala. Kapag gusto mong umiyak," Sabi ko at tinapik ang balikat ko. "You are always free to cry on my shoulder." Sabi ko at kinindatan siya.

Ngumiti siya ng bahagya at hinampas ako ng mahina sa braso.

"Salamat." Sabi niya at ngumiti.

"Yan, mas maganda ka kapag ngumingiti ka." Sabi ko at pinahid ang luha sa kanyang pisngi.

"Siguro kung na una mo akong nakilala kay Red, sa akin ka sana nahulog. Kaso.." Sabi ko at tumingin sa malayo.

"Tss. Ang drama mo." Sabi niya at tumayo na sa upuan.

"Let's go." Sabi niya at lumakad na palayo.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Simula ngayon.." Sabi niya at bahagyang lumingon sa akin. "Huwag ka nang lalayo sa akin. Nagkakaintindihan tayo?" Maangas niyang tanong.

"S-sure!" Sabi ko at lumapit sa kanya.

Pinigilan niya akong makalapit sa kanya sa pamamagitan ng kamay niya na nakasalpak sa mukha ko. (-__-)

"Hindi pa tayo ganung ka-close kaya malayo dapat ang distansya natin sa isa't-isa." Malamig niyang sabi at binigyan ako ng fierce look. Nakakatakot.

Ngumisi lang ako at tinitigan siya sa mata.

"Yun lang pala e." Sabi ko at nakapamulsang lumakad paalis.

Dadating ang panahon na ikaw na ang kusang lalapit sa akin. Hahaha. (+__+)

Gray's POV

Tsk. Anong meron?

Pinagmasdan ko lang ang dalawang naglalambingan na sina Sky at Kye. Natapos na yata ang world war 3 sa kanilang dalawa.

Nakita ko si Red na lumalakad patungo sa amin. Napakunot noo ako nung makita ko ang mukha niya. He looks pale. Lumapit ako at kinausap siya.

"Okay ka lang Red?" Tanong ko.

My Boss is a High Schooler?! [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon