Chapter 31: Confrontation

270 78 2
                                    

Red's POV

Narito ako ngayon sa rooftop ng building ng TECH company at hinihintay ang pagdating ni Kari.

Last night, tinawagan niya ako. She said, magkita daw kami ngayong araw na ito. Hindi ko alam kung anong pag-uusapan namin pero masaya ako na naalala niya ako.

"Pinaghintay ba kita ng matagal?" Sabi ng boses na aking narinig.

Lumingon ako sa aking likuran at nakita ang isang babaeng nakangiti. She's really smiling.

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Naamoy kong muli ang samyo ng kanyang pabango. I missed the scent of her perfume. Tinitigan ko siya habang nililipad ng hangin ang hibla ng kanyang buhok.

Hinawakan niya ang kamay ko. Naramdaman ko ang mainit niyang palad sa aking kamay.

"Red.." Tawag niya sa pangalan ko. Nanatili lang akong tahimik at hinintay ang susunod niyang sasabihin.

"May ilang bagay lang akong tatanungin sayo. I want you to tell me the truth, okay?" Sabi niya.

Tumango lang ako bilang tugon. Nagsimula na siyang magsalita.

"Ikaw ba ang una kong nakita nung araw na magkita tayo sa elevator?" Tanong niya.

Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"What do you mean?" Tanong ko.

"Just answer me." Sabi niya.

"Yes. Ako nga." Mabilis kong tugon.

"Nung nagpractice tayong dalawa para sa presentation mo, ikaw rin ba yun? Dun sa resort, ikaw ba ang pumunta para hanapin ako?" Sunod-sunod niyang tanong.

Tumango lang ako. Sa tingin ko, alam niya na ang tungkol sa amin ng kapatid ko.

"Dun sa event, i-ikaw rin ba yun?" Nag-aalinlangan niyang tanong.

Ngumiti lang ako.

"Ikaw rin ba ang taong nakasama ko nung nagkasakit ako?" Tanong niyang muli.

"Si kuya Ren ang kasama mo nun.." Sabi ko at tumingin sa kanya. "Nung makabalik na sa dating kalagayan ang kompanya, pinabalik na ako ni daddy sa pag-aaral ko. Si kuya ang pinalit niya sa akin.. Noong una, hindi ko alam na ginamit niya ang pangalan ko. Pero nalaman ko na ginawa niya lang iyon upang pangalagaan ang pangalan namin." Paliwanag ko.

"Ibig sabihin, after mong umalis ng company, hindi na ikaw ang taong nakakasama ko?"

Tumango lang ako.

Kaya naman, hindi ko masisisi si kuya kung bakit nahulog siya sa kanya. Alam kong dadating kami sa ganitong sitwasyon kaya hinanda ko na ang aking sarili upang harapin siya.

"Believe me, totoo lahat ng pinakita ko sayo. Hindi ko intensyon na saktan at lokohin ka.. dahil mahal kita Kari at iyon ang totoo."

"Mahal din kita.." Nabuhayan ako ng marinig ang sinabi niya

"Pero hindi sapat ang pagmamahal na iyon upang ipagpatuloy pa natin ang ating nasimulan." Sabi niya na nagpatigil sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong.

"Red, bata ka pa. Marami pang opportunity ang naghihintay para sayo. Just continue living like that and enjoy your life." Sabi niya at tumungo.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. No. Huwag mong sabihin yan..

"K-kalimutan mo na ako.." Sabi niya.

My Boss is a High Schooler?! [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon