Chapter 12: Paradise Resort

350 81 1
                                    

Kari's POV

Maaga akong nagising ngayon kaya inihanda ko agad ang aking mga dadalhin papunta sa beach resort.

After kong magready, nag-iwan nalang ako ng note at ipinatong ito sa table. Umalis na ako sa bahay right after kong gawin ang lahat ng kailangan kong gawin.

Dumating ako sa meeting place namin ngunit ako palang mag-isa ang nandun. Fudge. Ganun na ba ako kaexcited?

Habang naghihintay, na hagip bigla ng aking mata si director na nakasakay sa kotse. Tatawagin ko sana siya kaso hindi ko na siya naabutan.

"Oh Ms. Kari? Nandito kana pala." Bungad ni Mr. Sanchez nung makita niya ako.

"Ahehe.. opo. First time ko pong makakapunta sa paradise resort kaya inagahan ko na." Natatawa kong sabi.

"Hi, everyone!" Bati ng kararating lang na sina Tiffany at Jasmine. Sumunod ko namang nakita sina Alex, Mark at Kyle.

Maya-maya, dumating narin si Mr. Gutierrez at Mr. Velasco.

"Sino pang hinihintay natin?" Tanong ni manager.

"Si Mr. Smith." Tugon ni Mr. Sanchez.

Dumating na ang bus na aming sasakyan pero wala parin si director.

"Aish. Tawagan mo nga!" Sigaw ni Mr. Velasco.

Agad ko namang kinontak si Mr. Smith. Nakakatatlong ring palang nung sinagot niya ang tawag.

"I'm coming." Mabilis at tipid niyang sagot.

Pinatay niya agad ang call after niyang sabihin 'yun.

Maya-maya, may dumating na kotse sa harapan namin. Bumukas ang bintana nito at nakita namin si director.

"Let's go?" Sabi niya at ngumiti.

Nagsigawan naman ang aking mga katrabaho nung malaman nilang paalis na kami papunta sa beach resort.

Pinark niya muna ang kotse sa garahe bago siya sumakay ng bus.

Sa right side nakaupo kaming mga girls, samantalang sa left naman ang mga boys.

Masaya kaming nagkukwentuhan habang nasa byahe. Pinag-usapan namin ang lahat ng aming gagawin.

Buong maghapon kami sa resort at bukas namin balak umuwi, kaya hindi mawawala ang bonfire sa mga activities na aming gagawin. Excited na ako.

Almost 3 hours kaming nasa byahe bago kami nakarating sa destinasyon na pupuntahan namin. Pagkarating namin dun, pumunta agad kami sa hotel na aming tutuluyan.

Apat na room ang nakareserved sa amin. Kaming tatlong mga babae ang magkakasama sa iisang room. Samantala, sina Mark, Alex at Kyle naman ang magkakasama.

Nasa iisang unit sina Mr. Smith at Mr. Sanchez. Sa pangalawang unit naman sina Mr. Gutierrez at Mr. Velasco.

After naming mailagay ang mga gamit namin sa kwarto, agad na kaming lumabas at pumunta sa isang nipa hut.

"Listen everyone! Hindi tayo pumunta dito para sa wala lang. We are here because we are going to have a good time. So, ganito ang gagawin natin today, maglalaro tayo nang volleyball. Hahatiin natin ang grupo sa dalawa." Sabi ni Alex at hinati kami sa dalawang grupo.

Kami ang magkakagrupo nila Tiffany, Kyle, at Mark. Sina Mr. Smith, Alex, Jasmine, at assistant manager naman ang magkakagrupo.

"So, maghanda na kayo dahil mamaya na ang laban. Ienjoy muna natin ang scene." Sabi niya.

My Boss is a High Schooler?! [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon