Chapter 3: Kari Zee

736 89 1
                                    

Kari's POV

*Kriiing! Kriiing!*

"Ay palaka!" Sigaw ko bigla nung marinig kong tumunog ang aking cellphone. Sinagot ko ito in a low tone.

"Hello?" Sabi ko sa kabilang linya.

"..O-okay sir. I'll be there in a minute!" Pagmamadali kong tugon.

Patakbo akong lumakad patungo sa director's office at nagpaalam. Pinayagan niya naman ako kaya agad din akong umalis at pumunta sa school ng aking kapatid.

By the way, I'm Kari Zee Rivera. I'm currently working at TECH company. I'm a Researcher and also part of the Project Team wherein, plans and strategies from the other departments are being established.

Pagkarating sa school, dumiretso agad ako sa guidance office at pumasok sa loob. Naabutan kong nakikipag-sigawan si KC dun sa kaeskwela niya. Fudge!

"Stop it KC!" Sigaw ko at lumapit sa kanya.

"Thank goodness!" Sabi nung guidance councilor habang pinapahid ang pawis niya.

"Ate, siya naman yung may kasalanan nito e!" Sabi ni KC at dinuro ang kanyang hintuturo dun sa mukha nang kaeskwela niya.

"Excuse me, hindi no! Ikaw nga tong wild!" Sigaw naman nung estudyante na punong-puno ng kolorete sa mukha. (-__-)

"Anong ako?! Ikaw kaya!" Sigaw din ni KC at akmang magsasabunutan na sila nung pinigilan ko sila.

"Excuse me sir, pagsasabihan ko muna tong kapatid ko." Sabi ko at hinila si KC palabas.

Pagkalabas namin sa office, hinawakan ko ang tenga niya at piningot ito.

"Ikaw talagang bata ka! Kailan ba magtitino yang pag-iisip mo ha?!" Sigaw ko sa kanya habang hawak parin ang tenga niya.

Naku! Mabuti nalang talaga at wala pang masyadong estudyanteng dumadaan dito sa hallway. Kung nagkataon, iisipin nilang bully ako. (>__<)

"Arayy! Ate, siya naman yung panguna e! Siya ang may kasalanan nito!" Depensa niya naman.

"Huwag ka nang magpaliwanag! You're grounded!"

"Ate naman.. Sorry na.. hindi na mauulit! Promise." Tinanggal ko ang aking kamay sa tenga niya nung marinig ko ito.

"T-talaga? Pinky promise?" Tanong ko.

"Pinky promise!" Sabi niya at nakipag pinky promise sa akin. Mabuti na yung nagkakaintindihan kami nitong trouble maker kong kapatid.

"My loves!" Narindi bigla ang tenga ko nung marinig kong sumigaw si KC.

Aish. Ano bang problema ng kapatid kong ito at sumigaw ng ganun? At take note, public pa! Aba, kukurutin ko talaga 'tong kapatid kong 'to.

"Anong my loves ang pinagsasabi mo?! Ikaw talaga! Tayo na nga." Sabi ko sa kanya at kinaladkad na siya palabas sa campus. Pagkatapos kong makausap si KC, umalis narin ako at bumalik na ulit sa aking trabaho.

"There you are!" Sabi ni Mr. Velasco, ang assistant manager ng Project Team.

"A-ano pong maitutulong ko Mr. Velasco?" Tanong ko habang inaayos ang salamin ko.

"Here, tapusin mo yan." Sabi niya at pinatong sa aking desk ang gabundok na mga papeles.

"T-teka sir, parang kahapon lang pinagawa nyo rin sa akin yung mga documents na kailangan nyo tapos ngayon, ito naman po?" Sabi ko habang tinitingnan ang makapal na papel sa aking harapan.

My Boss is a High Schooler?! [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon