Chapter 11: LR

359 87 5
                                    

Kari's POV

Friday na ngayon at hinihintay ko ang pagbabalik ni director na dala ang katagumpayan sa kanyang presentation.

"Good morning, director." Bati namin sa kapapasok lang na si Mr. Smith.

Huh? Bakit siya narito? Akala ko ba may presentation siya?

Dirediretso lang siyang pumasok sa kanyang office without even looking at us. Anong nangyari? Hindi ba natuloy?

Dahil hindi ko rin naman alam ang kasagutan sa aking tanong, sinimulan ko nalang na gawin ang aking trabaho.

Ngunit matatapos na ang buong maghapon, hindi parin lumalabas si director sa kanyang office. Kanina pa ako kating-kating pumunta dun kaso hindi ko alam ang sasabihin ko.

Ano ba talagang nangyari sa meeting nila?

Maya-maya, narinig kong tumunog ang telepono sa aking table.

"Hello, this is..--" Naputol ang sasabihin ko nung marinig ko ang boses ng nasa kabilang linya.

"Meet me on the rooftop." Sabi niya at in-end ang call.

Agad naman akong tumakbo papuntang rooftop at hinintay siya dun. Maya-maya, nakita ko na siya. Mukhang malungkot ang aura niya ngayon.

Tahimik siyang lumapit sa akin.

"D-director? Anong nangyari sa presentation mo?" Tanong ko nung makalapit na siya.

"Kahapon pa kami nagmeeting with the NET company.." Sabi niya at tumigil saglit.

"Anong nangyari? S-successful ba?" May pag aalinlangan kong tanong.

Yumuko lang siya at nanahimik lang mula sa kanyang kinatatayuan. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, I feel bad for him.

Maya-maya, tumingin siya sa'kin. Nagtaka naman ako dahil unti-unting gumuguhit ang ngiti sa kanyang labi.

"H-hindi mo kailangang magpretend na masaya ka, kung nalulungkot ka about sa nangyari.." Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nung bigla niya akong binuhat.

"Success! Haha." Masaya niyang sabi habang iniikot niya ako.

"T-talaga?!" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Binaba niya ako at niyakap.

"Oo. Salamat.." Sabi niya at kumalas ng yakap.

Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko after kong makita ang masaya niyang mukha. Hindi ako makapagsalita.

*Thump*

Tumalikod ako at napahawak sa aking dibdib. T-teka, ano yun? Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? Parang gusto na nitong makawala sa lakas ng tibok nito.

"Kari, okay ka lang? Hindi ka ba masaya na naging successful ang presentation ko?" Medyo dissapointed niyang tanong.

Lumingon agad ako sa kanya at hinampas ko siya sa dibdib. Madaya ka! Akala ko hindi naging successful ang meeting mo sa kanila!

Nung marealize kong siya nga pala ang boss ko, at empleyado niya lang ako, napatigil ako sa aking ginagawa. Naman, Kari! Think before you act! (>__<)

"S-sorry po." Nauutal kong sabi.

"Wala kang dapat ihingi ng sorry. In fact, ako nga dapat ang humingi ng paumanhin dahil sa abala na ginawa ko sa'yo."

Hindi na ako nakapagsalita after nun. Sobra akong naooverwhelm sa mga nangyayari.

Maya-maya, naisipan na naming bumalik sa office para sana iannounce sa iba ang nangyari.

My Boss is a High Schooler?! [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon