Chapter 22: New Comer

333 82 1
                                    

Ren's POV

Naiwan akong nakatulala mula sa aking kinatatayuan. Hinawakan ko ang aking labi.

Why did she do that?

Dahil hindi ko rin naman alam ang sagot sa aking tanong, umalis na ako at umuwi sa bahay. Pagkarating ko, agad akong pumunta sa kwarto ko at humiga.

Hanggang ngayon, hindi parin mawala sa isip ko yung ginawa niya. Bakit nya ako hinalikan?

Umupo ako sa kama ko.

Anong nakain niya at ginawa niya yun?

"Aish!" Sabi ko habang ginugulo ang buhok ko.

Para namang unang beses ko itong naranasan. Nasanay kasi ako na ako ang unang gumagawa ng move sa mga ganung sitwasyon. Tss. Humiga nalang ulit ako at natulog na.

Kinabukasan..

Tinatamad akong pumasok. Pakiramdam ko magkakasakit ako. (-__-)

Ginawa ko na lang ang daily routine ko. Pagkatapos kong magready, pumasok na ako sa trabaho ko. Pagkarating ko, mukha niya agad ang nakita ko.

[Now Playing: Kiss you by Karylle]

"Good morning, Director!" Nakangiti niyang sabi.

Ngumiti lang ako ng pilit at nagdirediretso lang sa paglakad.

"Good morning Director." Bati sa akin ng mga katrabaho ko.

"Good morning." Sabi ko at ngumiti.

Nakita kong ngumuso si Kari. Tsk. Pumasok na ako sa office ko at ginawa na ang trabaho ko.

Few minutes later..

Nangangalay na ang leeg ko sa dami ng papel na binabasa ko. Napasulyap ako sa transparent window ng office. Wala ba siyang trabaho?

Tinawagan ko ang line niya.

"Hello?" Painosente niyang sagot.

"Hanggang kailan mo ba ako tititigan?" Tanong ko.

"Hanggang sa matunaw ka." Sabi niya at nagtakip ng bibig.

Halatang kinikilig siya sa sinasabi niya. (-__-)

"Wala ka bang gawa?" Pag-iiba ko ng tanong.

"Meron." Tipid niyang sagot.

Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"Anong ginagawa mo?"

"Tinititigan ka." Sabi niya at ngumiti.

Tss. Kapag hindi pa siya tumigil..

"Gusto mong ireport kita?"

"Bakit, kasalanan na ba ang pakiligin ka?" Natatawa niyang sabi.

"Yes." Sabi ko at in-end na ang call.

Nakita ko siyang tumatawa sa table niya. Sinara ko nalang ang bintana para hindi ko siya makita. Maya-maya, narinig kong may kumakatok sa pinto.

"Come in." Sabi ko.

Dahan-dahan niya itong binuksan.

Tiningnan ko kung sino ang taong umabala sa akin.

"What are you doing here?" Tanong ko.

Ngumiti lang siya ng malapad at pumasok sa loob.

"Sinabi ko bang pumasok ka na?"

My Boss is a High Schooler?! [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon