Chapter 27: Her Side

266 81 3
                                    

Ren's POV

Kauuwi ko lang galing sa exhibition nung maabutan ko si Red na nakaupo sa sofa. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

Kinausap ko siya pero wala akong natanggap na kahit anong reaksyon mula sa kanya.

"Red," Tawag ko sa pangalan niya.

Saka lamang siya lumingon nung marinig niyang tinawag ko ang pangalan niya.

"Kuya.." Mahina niyang sabi.

"Is there any problem?" Tanong ko.

Hindi siya nagsalita. Tahimik lang siya at tumingin sa malayo.

Alam ko kapag may problema ang kapatid ko. Hindi man siya nagpapakita ng motibo kapag may problema siya, kapag natahimik yan, sign na iyon na may dinadala siyang mabigat sa puso niya.

"Cheer up, bro!" Sabi ko at sinuntok ng mahina ang braso niya.

"Anuman yang problema mo, nandito lang ako, okay? Ako ang ang superman mo diba?" Sabi ko at pinakita ang muscles ko.

Nakita ko siyang sumimangot.

"Aish. Kahit may problema ka, huwag mo pa ring kalilimutang ngumiti. Papangit ka niyan haha." Sabi ko at tumawa.

Lumabas na rin ang ngiti sa kanyang labi matapos niyang marinig iyon.

"Anyway, hindi ba fieldtrip nyo ngayon?" Pag-iiba ko sa usapan.

Nagbago ulit ang expression ng mukha niya. Teka, may nasabi ba akong mali?

Natahimik ulit siya.

"Alright," Sabi ko at tumayo na mula sa kinauupuan ko.

"Magpahinga ka nalang. You look tired.." Sabi ko at lumakad na palayo.

Nagpahinga rin ako dahil napagod ako sa flight ko.

The next morning, pumasok ako sa company dala ang ngiti sa aking labi. Ewan ko ba pero bigla nalang nag-iba ang ihip ng hangin. Marahil, nanalo kami sa exhibit namin kahapon or siguro, may iba pang dahilan kung bakit ako masaya ngayon.

Pagkarating ko, binati ko ang lahat ng makikita ko. Binati din naman nila ako pabalik. Napalingon ako sa table ni Miss Kari. Hmm.. bakit wala pa siya?

Hindi ko nalang iyon pinansin at pumasok na sa aking office. Sinimulan ko ng gawin ang trabaho ko at tinapos lahat ng babasahin kong mga documents.

Tiningnan ko kung anong oras na, 10:00 am na. Naghintay pa ako ng kaunting oras.

Ngunit halos mag-iisang oras na akong naghihintay ng pagbukas ng pinto, wala pa ring dumadating na kape.

Lumabas ako ng office at hinanap si Miss Kari. Nakita ko siyang abala sa trabaho niya. Lumapit ako sa kaniya at tinanong kung bakit hindi siya pumasok sa office ko para dalhan ako ng coffee.

"Pardon?" Tanong niya habang inaayos ang salamin niya.

"I said, where's my coffee?" Pag-uulit ko.

"Hindi na po ako ang nakaassign dun, diba? Pinalitan nyo na ako." Sabi niya na parang may gustong iparating.

Natigilan naman ako sa aking narinig.

"Sir, coffee?" Sabi ni Ms. Tiffany habang nakatingin sa akin.

Napahawak ako sa noo ko nung maalala kong hindi na pala siya ang nakaassign dun. Bumalik nalang ulit ako sa office at uminom ng kape. Aish. Feeling ko, napahiya ako.

My Boss is a High Schooler?! [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon