Chapter 25: Fieldtrip

281 79 2
                                    

Red's POV

Pagkauwi ko galing sa company, naabutan ko si mommy na nagluluto sa may kusina.

"Mum." Tawag ko sa kanya.

"Son," Sabi niya at ngumiti.

"Para saan po iyan?" Tanong ko.

Binatukan niya ako matapos kong sabihin yun. Pati ba naman si mommy nambabatok? (-__-)

"Para sa iyo syempre! Hindi ba't may fieldtrip kayo bukas?" Sabi niya habang pinagpapatuloy pa rin ang kanyang ginagawa.

"Opo. Hindi na dapat kayo nag-abala pa." Sabi ko habang hinihimas ang batok ko.

"Ang sweet naman ng baby ko~" Sabi niya at pinisil ang pisngi ko.

"Mom, hindi na ako baby. I'm an adult now." Sabi ko at nagpout.

"Anak, you're just a teenager. No need to rush okay? Sige na, magpalit ka na ng damit mo. Kanina ka pa hinihintay ng lolo mo." Sabi niya at bumalik na ulit sa ginagawa niya.

Pumunta na ako sa kwarto ko at nagbihis na ng damit. Pagkatapos kong magpalit, bumaba na ulit ako at pinuntahan si lolo na nakaupo sa may sala.


"Lolo pops!" Tawag ko sa kanya.

"Apo!" Sambit niya nung makita niya ako.

Umupo ako sa may tabi niya.

"Mano po." Sabi ko at kinuha ang kamay niya.

"Kamusta naman ang apo ko?" Tanong niya.

"I'm doing great." Tipid kong sagot.

"Mabuti naman kung ganun. Anyway, anong balak mo kapag nakagraduate ka na?"

Natigilan ako nung marinig ko iyon.

"Uhm. H-hindi ko pa po alam e." Sabi ko.

"After mong makagraduate, you should go in college and take up Engineering program. That would be nice." Sabi niya at ngumiti.

"Ano po kasi.." Sabi ko habang nakangiwi.

"Is there any problem with that?"

"Wala naman po.." Sambit ko.

"Then what is it?" Nakangiti niya pa ring sabi.

Lumapit ako at binulong sa kanya at gusto kong sabihin.

"What?" Gulat niyang tanong.

"Lolo pops, secret lang natin yun." Sabi ko habang nag quiet sign.

"Pero apo.."

"Pops, alam ko naman yun. Nangako po kasi ako sa kanya na iyon ang gagawin ko after kong makagraduate." Paliwanag ko.

My Boss is a High Schooler?! [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon