Chapter 38: Is it goodbye?

99 75 5
                                    

Red's POV

Ilang taon narin ang nakakalipas simula noong dumating ang isa sa pinakamasayang araw na nangyari sa aking buhay. Ito ang araw na tinanggap ako ni Kari sa puso niya as a man na kaya siyang mahalin at ipaglaban.

Akala ko, palaging ganito ang scene na makikita ko araw-araw pero may mga bagay talaga na hindi mo rin inaasahan na mangyayari. Isang malaking pagbabago ang naganap sa amin, hindi ko alam kung sumusuko na ba siya para sa aming dalawa.

"What is this?" Tanong ko habang nakatingin sa isang maliit na brown envelope na nakapatong sa aking lamesa.

"M-magreresign na po ako." Sabi niya habang umiiwas sa akin ng tingin.

"Hey, kailan ka pa naging formal makipag-usap sa akin?" Mahinahon kong tanong.

"You're my boss that's why I should speak formal to you." Tugon niya. Tumayo ako at hinawakan ang kamay niya.

"Honey, pwede naman natin tong pag-usapan. Gagawin ko ang gusto mo pero sana naman maintindihan mo rin ako." Sabi ko habang pinipigilan ang aking sarili na umiyak.

"May problema ba tayo? Hindi mo naman gagawin to kung wala diba? Ku--kulang na ba ang oras na naibibigay ko sayo? Hindi mo na ba maramdaman ang pag-ibig na meron tayo para sa isa't-isa? Tell me, para makabawi ako sayo." Sabi ko at tumingin ng diretso sa kanyang mata. I can't see nothing but sadness in her eyes. Naramdaman ko ang kamay niya sa aking pisngi at pinahid ang luha na tumulo sa aking mata, umiiyak na pala ako.

"You don't have to. Tandaan mo, mahal kita noon hanggang ngayon at hinding-hindi magbabago yun. May mga bagay lang talaga na kailangan nating bitawan para dumating ang mas deserving para sa atin. Ano ka man ngayon, pinili mo yan na mangyari sayo and I couldn't be more prouder dahil sa mga narating mo sa buhay." Sabi niya habang unti-unting tinatanggal ang kanyang kamay sa akin.

"Pero hindi ko mararating ito ng dahil din sayo. Kung wala ka, hindi ko maaabot ang aking tagumpay. Please, hindi ko kaya na mawala ka. Pwede kang umalis sa kompanya but please, stay with me." Nagmamakaawa kong sabi sa kanya.

"Red, nabuhay ka ng labing walong taon na wala ako. Kaya alam ko na makakaya mo rin na wala ako sa tabi mo. S-sige na, aalis na ako." Ang huling salita na kanyang sinabi bago siya tuluyang umalis. Naiwan akong nakatulala sa loob ng office, wala man lang akong nagawa para pigilan siya.

Lumipas ang ilang araw na wala akong balita o narinig man lang sa kanya. Walang anumang tawag o kahit na sulat man lang na nanggaling sa kanya. Minsan napapaisip nalang ako, may nagawa ba akong mali kaya nangyayari to sa akin?

Umalis siya ng wala man lang paalam. Akala ko, maghihiwalay muna kami pansamantala pero nalaman ko nalang na umalis na pala sila sa bahay na kanilang tinitirhan. Maraming katanungan ang pumapasok sa aking isipan. Hindi ko na alam ang aking gagawin..

"Anak.. Ilang araw nalang kaarawan mo na. Hindi ka ba excited?" Tanong ni mommy at umupo sa swing. Narito kami ngayon sa may garden.

"May dahilan pa ba para maging excited?" Tanong ko.

"Anak naman, hanggang ngayon ba naman iniisip mo parin siya? Kung sa tutuusin nga dapat masaya ka dahil sa mga blessings na natatanggap mo, pati nga daddy mo sobrang natutuwa sayo. Alam ko na kahit wala dito si Kari, naniniwala ako na proud na proud siya sayo. Kaya huwag ka ng malungkot okay?" Sabi niya at tinapik ang balikat ko. Umalis narin siya pagkatapos.

Tama si mommy, hindi dapat ako nagpapaapekto sa mga nangyayari sa akin. May dahilan kung bakit may mga bagay na hindi mo inaasahan na mangyayari sa buhay mo.

My Boss is a High Schooler?! [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon