Chapter 34: Graduation Day

256 80 1
                                    

Kari's POV

"Graduating na ang anak ko." Sabi ni mama habang teary eyed na nakatingin kay Kye.

"Ma, tama na ang drama. Baka malate pa tayo niyan." Sabi ni Kye na mukhang naiiyak narin.

Tama kayo ng narinig. Today is their graduation day. As her ate, I'm really proud of her.

"We're so proud of you, Kye." Sabi ni mama at niyakap siya. Sinundan ko rin sila ng yakap.

Nakakatuwang isipin pero okay na sila ni mama. Hmm, happy ending na ba ang naghihintay sa aming lahat?

After naming maghanda, pumunta na kami sa school. Pagkarating dun, umupo na kami sa may front seat. Hindi nagtagal, nagsimula narin ang program.

"Congratulations to all graduates!" Ang huling salita na aming narinig mula sa speaker.

Pagkatapos ng speech, nagsimula ng tawagin ang mga estudyante. After they've got their diploma, bumalik na ulit sila sa kanilang upo at sinalubong ang kanilang magulang ng may ngiti sa kanilang labi.

Nakita ko rin si Red kasama ang kanyang parents. Nakita rin nila ako and they smiled at me. Ngumiti rin ako pabalik.

"You look dumb." Sabi ng katabi ko.

Natigilan naman ako sa sinabi niya. Lumingon ako at piningot ang tenga niya.

"Arayy!" Sabi niya habang tinatanggal ang kamay ko.

Tinanggal ko rin agad ito at tumawa sa kanya. Haha.

"Masaya ka na nyan? Hmp." Sabi niya at inismidan ako.

"Mga anak, magpapicture na tayo." Masayang sabi ni mama at hinila kami papuntang stage.

After naming magpapicture, bumaba na ulit kami ng stage. Gusto ko sanang puntahan si Red at batiin siya kaso pinapangunahan ako ng hiya.

"Sige na. Alam kong laway na laway ka ng puntahan siya." Sabi ni Kye at tinulak ako papunta sa direksyon niya.

"Sumunod ka nalang sa amin, okay?" Sabi niya at ngumiti.

Pagkatapos niya akong kausapin, nagsimula na akong lumakad patungo sa kanya. Kaya mo yan Kari, babatiin mo lang naman siya e. Ngunit hindi pa man ako nakakalapit, nakita niya na ako. Lumapit siya agad at hinila ako palapit sa kanila.

"Mom, dad, This is Kari Zee." Pakilala niya sa akin.

Agad naman akong yumuko at nagbigay ng paggalang sa kanila. Naku po, sana lang hindi ako makilala ni President.

"She's cute, isn't she?" Sabi ng mom ni Red habang nakatingin sa akin.

Napatingin ako kay Mr. Smith na ngayon ay nakatingin rin sa akin. Gulp. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito.

"Have we met before?" Tanong niya.

"A-ah.. sir.." Nauutal kong sabi sa kanya.

Fudge. Anong gagawin ko? Paano kung malaman niyang nagtratrabaho ako sa company nila?

"Dad, madalang lang siyang lumabas sa kanila. How come na nakita mo na siya?" Singit bigla ni Red.

"Ganun ba?"

Tumango lang ako bilang tugon. Ganito pala ang pakiramdam kapag kausap mo na ang presidente ng kompanya. Nakakapangliit. (-__-)

"Anyway, magkakilala kayo ng anak ko?" Tanong niya ulit.

My Boss is a High Schooler?! [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon