Chapter 35: First Love

243 78 1
                                    

Red's POV


Kauuwi ko lang sa bahay nung maabutan kong nakaupo sa couch si daddy. Lumapit ako at umupo sa tabi niya. Hindi ko pa man nasasabi ang gusto kong sabihin, inunahan niya na akong magsalita.

"Ngayon lang ako makikialam sa private life mo kaya sana maintindihan mo ako." Sabi niya na pinagtaka ko.

"What do you mean?" Tanong ko.

"That girl. She's working to our company for 7 years. She's in her mid 20's and too old for an 18 year old boy like you. Hindi mo ba nakikita ang difference nyong dalawa?" Seryosong sabi ni dad at tumingin ng diretso sa aking mata.

"So what? It's just a number dad. Hindi naman yun ang basehan pagdating sa love." Sabi ko.

"Kalimutan mo na siya. Nagkakaintindihan ba tayo?" Maawtoridad niyang sabi.

"No." Matigas kong sabi sa kanya at tumayo na mula sa aking kinauupuan. Hindi pa nga nagsisimula ang love story namin, tatapusin niya agad?

Sapat na ang pinagdaanan naming dalawa kaya hindi ko na hahayaan pa na maghiwalay kami. Lumakad na ako patungo sa kwarto ko at natulog na.

-----

Nagising ako sa lakas ng tunog ng alarm clock. Papikit-pikit akong pumunta sa banyo at ginawa na ang daily routine ko. Pagkatapos kong gawin ang lahat ng kailangan kong gawin, bumaba na ako sa dining area. Naabutan kong nagpreprepare si mommy ng breakfast.

"Good morning, mom." Bati ko sa kanya.

"Good morning, honey. Halika, kain na tayo." Sabi niya at hinila ako upang umupo.

"Nasaan po si daddy?" Tanong ko at uminom ng gatas.

"Nauna na sa trabaho. Marami pa daw siyang aasikasuhin sa office." Sabi niya at umupo sa tabi ko. Ngiting-ngiti siya habang nakatingin sa akin. "By the way, anak. Kailan mo dadalhin yung girlfriend mo dito?" Tanong niya.

Muntik ko ng maibuga ang iniinom kong gatas nung marinig ko ang sinabi niya. Kumuha ako ng sandwich at kinain ito.

"Gusto mo, pauwiin ko dito ang kuya mo para makilala niya rin si Kari?" Sabi niya.

Halos bumara na ang pagkain sa lalamunan ko dahil sa mga sinasabi ni mommy. Balak niya ba akong patayin sa mga tanong niya?

"Mom, busy si kuya. Huwag mo na siyang abalahin pa." Sabi ko.

"Ibig sabihin, pumapayag ka na?" Sabi niya habang nagniningning ang mata.

"I'll ask her first." Sabi ko at nagpaalam narin.

Sumakay na ako sa kotse ko at dumiretso sa TECH Company. Since umalis na si kuya, ako na ulit ang Director ng Project Team.

"Good morning, Director." Bungad nila nung makapasok na ako sa office.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Masaya ako dahil nakita ko na ulit sila, malungkot dahil hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanila nung umalis ako at inis dahil nakita ko na naman ang pagmumukha ni Assistant manager. De joke lang.

"G-good morning." Ngiting-ngiti kong sabi sa kanila.

Bago ako tuluyang pumasok sa Director's office, lumingon muna ako sa table ni Kari. Busy na naman siya sa kanyang pinaggagawa. Lumapit ako at tinabig ang desk niya. Naintindihan niya naman ang ibig kong sabihin at sumunod sa akin papunta sa office.

Pagpasok namin sa loob, tinulak ko siya sa pader at kinulong sa braso ko. Lumapit ako sa kanya at tiningnan siya ng diretso sa mata.

"B-baka may makakita sa atin." Nauutal niyang sabi.

My Boss is a High Schooler?! [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon