Chapter 23: Left Behind

311 81 2
                                    

Kari's POV

Narito ako ngayon sa canteen at bumibili ng pagkain. Nagugutom na talaga ako. Buhat pa kaninang umaga hindi ako kumakain. Dahil sa sobrang excited pagpasok sa trabaho, nakalimutan ko ng magbreakfast. (-.-)

Pagkatapos kong bumili, bumalik na ulit ako sa office. Papasok na sana ako sa elevator nung makita ko si Director, may kausap siyang babae.

Hmm. Sino naman kaya iyon?

Lumapit ako ng kauntian upang marinig ang kanilang usapan. Nakita kong ngumiti si Director dun sa babae. Aish. Ano bang pinag-uusapan nila at parang masayang masaya sila habang nagkukwentuhan?

Lumapit pa ako para mas lalo kong maintindihan ang usapan nila. Hindi ko napansin, natabig ko na pala ang trash can na nasa harapan ko.

Nakita nila ako. Patay.

Lumingon si Director sa direksyon ko. Agad akong nagtago nung makita ko siyang tumingin sa akin.

Pero nauntog ang noo ko pagharap ko sa pader. Tinakpan ko ang aking bibig nung maramdaman ko ang sakit.

"May tao ba diyan?" Tanong niya

Nanlaki ang mata ko nung marinig kong nagsalita siya.

Bumilang ako ng tatlo.

1

2

3

Takbo!

Umalis na ako sa lugar na iyon at dumiretso na sa department namin. Pagkarating ko, agad kong ginawa ang trabaho ko at nagkunwari na walang nangyari.

Maya-maya, dumating na si Director. Naglakad lang siya patungo sa kanyang office. Hanggang ngayon, nakasara parin ang bintana ng office niya.

Galit ba talaga siya sa akin?

Bumalik nalang ulit ako sa trabaho ko. Hindi ko rin naman alam ang dahilan kung bakit ganun siya.

Pagkatapos kong gawin ang aking research paper, umuwi na ako.  Mag-isa nalang akong naiwan sa office dahil marami akong tinapos na trabaho.

Tatayo na sana ako nung maramdaman ko na nahihilo ako. Napahawak ako sa ulo ko.

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

Red's POV

Hayys. Kailan ba ako makakabalik sa kompanya? Nakita ko si kuya na pumasok sa bahay. Lumapit ako sa kanya.

"Kuya!" Tawag ko sa kanya.

"Oh?" Sambit niya habang patuloy pa rin sa kanyang paglalakad.

"Kamusta?" Nakangiti kong tanong.

Napatingin siya sa akin matapos niya itong marinig.

"Okay lang." Tugon niya.

"Uh. Gusto ko sanang.." Sabi ko.

Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Nakita ko siyang ngumiti ng bahagya.

"Yes, you may. Besides, may exhibit kami bukas. Kailangan kong pumunta dun." Sabi niya at lumakad na ulit.

"Yesssss!" Sigaw ko at tumakbo na sa aking kwarto.

Makikita ko na rin siya sa wakas! Kay tagal ko itong hinintay. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext siya agad.

Text message: See you tomorrow. :*

Pagkatapos ko itong isend, tinapon ko ang cellphone ko sa aking kama. Hindi na ako makapaghintay pa na magtext siya at makita rin sa message niya ang smiley na tinext ko sa kanya.

My Boss is a High Schooler?! [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon