Chapter 16: First day

316 82 3
                                    

Ren's POV

Ngayon ang unang araw nang pagpasok ko sa TECH company. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. But as long as dinadala ko ang mukha at pangalan ni Red, hindi ako masyadong mahihirapan mag-adjust. I'm his twin, remember?

"Good morning director." Bungad nila nung makapasok na ako sa office.

Ngumiti lang ako sa kanila at tumungo sa director's office. Pagpasok ko, nakita ko agad si Mr. Velasco.

Anong ginagawa niya dito?

"What are you doing here? You're supposed to do your job." Sabi ko at lumakad patungo sa aking desk.

"Aish. Kung makapagsalita ka parang alam mo na lahat ah. Oh sya, palalagpasin ko muna ang ginawa mo ngayo, tayo ng maglesson. Marami ka pang dapat matutunan, bata." Sabi niya at sinenyasan akong umupo sa sofa.

"No. Marami pa akong dapat gawin. You can leave now." Sabi ko at nagsimula ng magbuklat ng mga papeles.

"Ang lakas naman ng loob mo para sabihin sa akin yan? Mabuti nga tinuturuan kita sa mga bagay na hindi mo pa nalalaman." Ani niya.

Natigilan naman ako nung marinig ko ito.

"G-ganun ba?" Tanong ko.

Tumango lang siya.

"Well, may kailangan pa kasi akong tapusin kaya hindi muna tayo makakapaglesson ngayon." Palusot ko nalang para hindi ako mapaghalataan.

"Yes!" Tuwang-tuwa niyang sabi.

"Bakit mukhang masaya ka pa?" Kunot noo kong tanong.

"Masama na bang maging masaya?" Sarkastiko niyang sagot.

Natahimik nalang ako.

Umalis siyang nagtatatalon palabas ng office. Anong nangyari dun? (-__-)

Huminga muna ako ng malalim bago nagsimulang gawin ang mga dapat kong gawin. Hindi ko na nga namalayan na maghapon na pala akong nasa loob ng office. Gutom na ako.

Maya-maya, nakarinig ako ng pagbukas at sarado ng pinto. Tiningnan ko kung sino iyon.

"Director, dinalhan ko kayo ng pagkain." Nakangiti niyang sabi.

"Thank you miss.." Sabi ko habang iniisip ang pangalan niya.

"Miss.." Sambit ko.

Aish. Ano nga bang pangalan niya? Teka, siya yung nawala dun sa beach resort.

Ibig sabihin siya si..

"Miss Kari." Sabi ko at ngumiti.

"Walang anuman, sir." Sabi niya at umalis na sa office.

Kinuha ko ang supot na dinala niya at tiningnan kung anong nilalaman nito.

"Burger? Soft drinks?" Sambit ko habang tinititigan ang pinamili niyang pagkain.

Napatingin ako bigla sa transparent window ng office at nakita siyang nag-aabot ng coffee sa bawat empleyado. Napatingin muli ako sa hawak kong pagkain.

"Haist. Wala na bang ika-weweirdo ang mga nagtratrabaho dito?" Sabi ko habang binubuksan ang burger.

Since gutom na ako, at 'di pa ako makaalis dito, pagtyatyagaan ko nalang na kainin ito. Sayang naman ang pinamili niyang pagkain kung itatapon lang.

My Boss is a High Schooler?! [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon