Chapter 24: Is this forever?

330 81 4
                                    

Kari's POV

Nagising ako bigla nung maramdaman kong may mabigat na bagay na nakapatong sa kamay ko. Minulat ko ang aking mata upang makita kung sino ang taong kasama ko ngayon.

Napangiti nalang ako nung makita ang mukha ni Director na natutulog habang hawak ang kamay ko.


"Sabi ko na, hindi ka galit sa akin." Sabi ko at tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Hinimas ko ang malambot niyang buhok.

"Masyado nang maraming nangyari sa ating dalawa.." Sabi ko habang nakatingin sa kanya.

"Hindi ko inaakala na hahatong tayo sa ganitong sitwasyon. Akala ko nung una, walang patutungahan ang meron sa ating dalawa.."

Naramdaman ko siyang gumalaw.

"Kung may isa man akong hihilingin, iyon ay ang makasama ka.. habang buhay." Ang huling salita na aking sinabi bago ko ulit ipikit ang aking mata.


----------

"Sir, pinapatawag nyo daw po ako?" Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Sino pa ba ang tatawagin ko?" Nakangisi niyang sabi.

Lumapit naman ako sa kanya.

"Anong kailangan ng mahal ko?"

"Hmm.." Sambit niya habang nag-iisip. Tumingin siya sa akin.

Sus, alam ko na ang gusto niya. Hohoho.

Lumapit pa akong lalo sa kanya at ngumuso sa harapan niya. Pumikit ako at hinintay ang susunod niyang gagawin.

Nakarinig ako ng mahinang tawa.

*Click*

Napamulat ako bigla nung marinig ko ang shot ng camera.

"Ang ganda naman ng wallpaper ko." Sabi niya habang tinitingnan ang picture ko na nakanguso.

"Waaahh. Burahin mo yan!" Sabi ko habang hinahampas ang braso niya.

"Aray! Ayoko nga haha." Sabi niya habang nilalayo ang cellphone niya.

"Akin na kasi." Sabi ko naman habang inaabot iyon sa kanya.

Narinig naming bumukas ang pinto ng office. Tinulak niya ako palayo sa kanya. Inayos ko ang sarili ko.

"Director!" Sigaw ng kapapasok lang na si Assistant manager.

Napatigil naman siya nung makita niya ako.

"Anong ginagawa mo dito Miss Karen?" Tanong nya.

Hindi ko naman siya pinansin at lumakad na ako palabas. Hindi man lang ako nakakuha ng kiss sa kanya. (-___-)

Bumalik nalang ulit ako sa table ko at tinapos na ang trabaho ko.

Haist.

Kung maibabalik ko lang ang kahapon.


My Boss is a High Schooler?! [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon