Chapter 29: Until when?

280 78 5
                                    

Ren's POV

Narito ako ngayon sa office at pinag-iisipan ko parin hanggang ngayon kung sasabihin ko na ba sa kanya ang totoo. Umupo ako sa swivel chair at tiningnan ang telephone. Am I going to tell her the truth or not?

"Pwede ba tayong mag-usap?" Sabi ko sa kabilang linya.

"Wala na tayong pwedeng pag-usapan pa.." Sabi niya.

"I need to tell you something."

Nanahimik siya sandali. Ngunit hindi nagtagal, nagsalita narin siya.

"O-okay." After she said that, inend ko na ang call.

Bumalik na ulit ako sa trabaho ko at tinapos na ang lahat ng gagawin ko.

After I finished my work, agad akong lumabas ng office at tumungo sa table ni Kari. Alam kong hindi siya papayag sumama kaya hinila ko na siya palabas nang building.

"T-teka, hindi pa ako tapos sa trabaho ko." Sabi niya at akmang aalis na sana nung pinigilan ko siya.

Hindi ko alam kung anong magiging kalabasan ng gagawin ko pero kailangan niyang malaman ang totoo.

"Ano bang sasabihin mo? Alam ko na ang lahat kaya hindi mo na kailangan pang ulit-ulitin.." Sabi niya na kinabigla ko.

"A-ano?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Remember nung fieldtrip? Sinabi mo sa akin ang dahilan kung bakit ka nagtratrabaho sa company ng dad mo at nalaman ko rin na isa kang.. high schooler." Seryoso niyang sabi.

Ibig sabihin, sinabi na ni Red ang lahat sa kanya? How come?

"Pero huwag kang mag-alala, wala ng ibang makakaalam nun. Atsaka, pinatawad na kita kaya wala ka nang kailangan pang gawin." She said.

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"You Sure?" Sabi ko at nagpawala ng isang ngiti.

"O-of course!" Sabi niya at tumalikod sa akin.

Lumapit ako sa kanya at bumulong.

"Talaga?" Pag-uulit ko.

"Oo nga sinabi." Sabi niya at biglang sininok.

"Babalik na ako sa work." Sabi niya at padabog na lumakad pabalik sa building.

Tumawa nalang ako sa pinakita niyang kilos. Haist. Hindi na ako magtataka kung bakit..

Nahulog sa kanya ang kapatid ko.

Yes. I already knew it from the start. Noong una, ayokong maniwala na siya ang babaeng nagpatibok ng puso ni Red. Pero nung mawala si Kari sa Paradise Resort, alam ko kung paano siya nag-alala sa kanya. Tsk. Hindi ko nga inakala na pupunta pa siya doon para lang hanapin siya.

She's really something. Hindi ko alam kung paano niya nabihag ang puso ni Red. Pati yata ako nahulog narin sa kanya..

Pero hindi maaari ito. Kailangan kong pigilan ang nararamdaman kong ito para sa kanya. Ayokong makitang nasasaktan ang kapatid ko. Ito na nga lang ang makakapagpasaya sa kanya, pipigilan ko pa?

Ngunit bakit ganito ang nararamdaman ko?

Parang..

Ayoko siyang bitawan. Gusto ko na ba talaga siya? Ngayon lang kami nagkita at ngayon palang namin nakikilala ang isa't-isa.

Naramdaman kong may humawak sa aking balikat.

"Okay ka lang?" Tanong ni Jaila.

Tumango lang ako bilang tugon.

"Let's go?" Sabi niya at ngumiti. Sabay na kaming umalis at umuwi narin sa bahay.

Kari's POV

Kauuwi ko lang galing sa trabaho nung maabutan ko si Kye na nakatingin sa labas ng bintana. Mukhang malalim ang iniisip niya..

Hanggang ngayon, hindi parin kami nag-uusap ng kapatid ko.

Nagpatuloy nalang ako sa paglakad at dumiretso sa aking kwarto. Ngunit bago ako tuluyang makapasok sa loob, narinig ko siyang magsalita..

"You're so cruel.." Sabi niya na kinabigla ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

Lumingon siya sa akin at nakita ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Inagaw mo na nga siya sa akin, ang lakas pa ng loob mo na saktan siya.."

Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. Narinig ko siyang humikbi. Umiiyak na pala siya..

Gusto kong pahidin ang luha sa kanyang mata at yakapin siya.. kaso hindi pa ngayon ang tamang panahon upang gawin iyon.

"Simula palang alam mo nang may tao akong nagugustuhan diba?! Ilang beses ko ring kinuwento sa iyo ang tungkol sa kanya pero anong ginawa mo? Inagaw mo siya sa akin!" Sabi niya sa pagitan ng kanyang pag-iyak.

"H-hindi ko naman alam na.." Nanginginig kong sabi. Nanggigilid narin pala ang luha sa aking mata.

"Tama ka.. paano mo nga naman malalaman, palagi ka namang wala at laging nasa trabaho. Kaya hindi mo narin ako nabibigyan ng panahon.."

"H-hindi totoo yan." Sabi ko at lumapit sa kanya. Hinawakan ko siya sa tigkabilang braso.

"Alam mo namang ginagawa ko ito para sayo diba? Kye naman, intindihin mo naman ang sitwasyon ni ate.." Sabi ko.

"Gusto mong intindihan kita? Pwes, intindihin mo muna ang nararamdaman ko." Sabi niya at tinanggal ang kamay ko na nakakapit sa kanya.

Lumakad na siya palayo..

"Anong gagawin ko para maintindihan kita?" Tanong ko.

"I have a favor to ask. No. Gawin mo to hindi para sa akin kundi para sa kanya.." Malamig niyang sabi at bahagyang tumingin sa akin.

Hinintay ko ang sumunod niyang sasabihin.

"Come back to him.. please." Ang huling salita na kanyang sinabi. Pumasok na siya sa kwarto at agad na sinara ito.

Kahit hindi niya ipakita na nasasaktan siya, alam ko kung gaano kahirap ang pinagdadaanan niya.

Pagkatapos naming mag-usap, pumasok narin ako sa kwarto ko. Magkalapit lang ang kwarto namin kaya rinig na rinig ko ang malakas niyang paghikbi.

Pakiramdam ko, wala akong kwentang ate. Wala man lang akong nagawa upang mabawasan man lang ang sakit na kanyang nararamdaman.

Bakit kailangan pang humantong sa ganitong sitwasyon kung pwede namang maging masaya kaming lahat?

Humiga ako sa aking kama at nagmuni-muni sandali..

Hindi ko na kayang pigilan pa ang nararamdaman ko. Kapag tinago ko pa ito, baka hindi ko na kayanin at tumakbo na ako pabalik sa kanya.

My Boss is a High Schooler?! [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon