Chapter 32: Forgiven

261 78 1
                                    

Kari's POV

Nasa tapat ako ngayon ng tinutuluyang apartment ni mama, ngunit nagdadalawang isip parin ako kung kakatok ba ako o hindi.

That night, tinawagan ko ang unregistered number sa cellphone ko. Tinanong ko kung saan ko pwedeng makita si mama. After that, humingi ako ng leave sa trabaho para makausap ko siya.

Kakatok na sana ako nung bigla itong nagbukas. Sa tinagal-tagal na panahon na hindi ko siya nakita, ngayon ko ulit nasilayan ang mukha niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nakita ko ulit siya o magagalit dahil nagsinungaling siya sa amin.

Hindi parin siya nagbabago. Ganun parin ang hitsura niya. Yun lang, napansin ko ang pamamayat niya at ang maputla niyang mukha.

"A-anak, ikaw ba yan?" Nauutal niyang tanong.

Hindi ako makapagsalita. Nanatili akong tahimik mula sa aking kinatatayuan. Pakiramdam ko, kaunti nalang at papatak na ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

Nabigla ako nung bigla niya akong niyakap. Hindi ko namalayan na umiiyak na ako.

"Anak, p-patawarin mo ako.." Halos pabulong niya ng sabi.

Tinanggal ko ang kamay niya na nakayakap sa akin. Tinalikuran ko siya at lumakad palayo. Hindi ko kaya.. hindi ko pa kayang humarap sa kanya..

"Kari.." Natigilan ako nung marinig kong tinawag niya ako.

All this time, hinintay kong marinig na tawagin niya ang pangalan ko. I missed the way she look at me, I missed everything about her! I can't just ignore her..

Right after I heard she called my name, lumapit ako at niyakap siya ng mahigpit.

"M-m-ma.." Sabi ko habang humihikbi. "Bakit mo kami iniwan?!" Sigaw ko.

Hinihimas niya lang ang buhok ko habang humahagulgol din sa pag-iyak.

"H-hindi mo alam kung gaano kami nalungkot nung umalis ka.. pero bakit.. bakit mo nagawa to sa amin?" Sabi ko at kumalas ng yakap sa kanya.

Pinahid niya ang luha sa aking mata at hinawakan niya ako sa kamay.

"Pumasok muna tayo. Ipapaliwanag ko sayo ang lahat ng nangyari.."

Pagpasok namin sa loob, pinaupo niya ako sa sofa. Umupo rin siya sa tabi ko. I heard her coughed.

"Bago ako tuluyang makaalis papunta sa Dubai, nalaman ko na niloko ako ng agency na tumulong sa akin para makapunta doon. Hindi ko alam ang gagawin ko nung mga oras na yun, nalubog ako sa utang at hindi ko alam kung paano ko kayo haharapin.." Sabi niya at pinahid ang luha sa kanyang mata.

"Kaysa umuwi ako ng walang dala, minabuti kong magtrabaho nalang dito at unti-unting binayaran ang utang ko. Akala ko, magiging madali ang lahat.. pero hindi ko inakala na tatagal ako sa pinagtratrabahuhan ko. Anak, maniwala ka.. ilang beses kong sinubukang puntahan kayo at sabihin ang totoo.."

"Bakit hindi mo sinabi ma? Narito naman kami, sana natulungan ka namin.." Sabi ko at hinawakan ang kamay niya.

Nakita kong gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.

"Kahit naman hindi ko sabihin yun, alam kong gagawin mo ang lahat para matulungan ako."

Napatingin ako sa buong paligid at pinagmasdan ko ang hitsura ng silid na tinutuluyan ni mama.

"Ma, umuwi na tayo.." Sabi ko at hinila siya patayo. Pinigilan niya naman ako at umiling siya sa sinabi ko.

"Ang kapatid mo.." Sambit niya.

My Boss is a High Schooler?! [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon