Chapter 8: Status & Drinks

454 83 1
                                    

Kari's POV

"Miss Kari!" Tawag sa'kin ni Mr. Sanchez.

"Ano po yun sir?" Tanong ko.

"Pwede bang makahingi ng favor?"

"Oo naman po. Ano po bang maitutulong ko?"

"Paki bigay naman nitong mga documents kay director. Kailangan ko na kasing umuwi ngayon dahil hinihintay na ako ng anak ko." Mr. Sanchez

"Yes sir, you can count on me." Sabi ko at kinuha ang mga documents.

"Salamat." Sabi niya at nagpaalam narin.

After niyang makaalis, pumunta muna ako sa canteen at bumili ng pagkain.

Babalik na sana ako papuntang office nung bigla kong nakita si director. Mukhang paalis na siya kaya hinabol ko siya at tinawag.

"Sir!" Sigaw ko.

"Kari? Bakit nandito ka pa?" May pagtataka niyang tanong.

Pinaliwanag ko naman ang dahilan kung bakit ko siya kailangang makausap.

"Okay. Give me your number." Sabi niya. Binigay ko naman ang cell phone number ko.

"Save." Sabi niya at umalis na.

"Huh?" Sambit ko.

Bumalik nalang ulit ako sa office at kinuha ang aking mga gamit bago ako umalis. Maya-maya, narinig kong nagvibrate ang cell phone ko.

Text message: Royal Hotel - 705

Red's POV

Aish. Why is she taking so long?

*Bzzt. Bzzt.*

Text message: Narito na po ako sa harap ng apartment nyo.

Agad ko na man siyang pinagbuksan ng pinto at pinapasok sa loob.

"Hindi na po kailangan sir. Ibibigay ko lang naman 'tong mga documents at aalis narin."

"N-no. It's alright." Sabi ko at pinapasok siya.

"Thank you sir."

"Is there anything you want to drink?" Tanong ko habang tinitingnan ang laman ng ref.

"H-huwag na po sir, may dala naman po ako.." Sabi niya at pinakita ang dala niyang paper bag.

"What's that?" Tanong ko at lumapit sa kanya.

"Drinks?" Sabi niya at ngumiti.

My heart skipped a beat when I saw her smile.

"Sir?"

Bumalik naman ako sa wisyo nung tinawag niya ako.

"Yes?" Tanong ko.

"Habang naghihintay po ako sa inyo kanina, naisipan ko pong bumili muna sa canteen. Sayang naman 'to kung itatapon lang.." May panghihinayang niyang sabi.

"Okay then.." Sabi ko at umupo sa sofa.

Nilabas niya yung mga binili niya at binigyan ako.

"Thanks." Sabi ko at tinanggap ito.

"Uhm, A-ano na po ang status ng business natin, sir?" Medyo naiilang niyang tanong.

"As of now, we're not very sure.." Sabi ko at tumingin sa kawalan.

My Boss is a High Schooler?! [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon