Chapter 9: Thump

454 93 2
                                    

Red's POV

After naming mag-usap ni assistant manager, lumabas muna ako ng office to get some fresh air.

Wala kaming lesson sa araw na'to dahil maraming pinagkakaabalahan si Mr. Velasco.

Pagkalabas ko, tumambad agad sa akin ang mukha ni Ms. Kari. Lumayo ako ng kaunti para magkaroon kami ng distansya.

"What is it Ms. Kari?" Tanong ko.

"Sorry sir, hindi ko naman sinasadya lahat ng ginawa at sinabi ko kahapon e." Sabi nito na mukhang nagmamakaawa.

"Aist. Sinabi ko namang kalimu--" Napatigil ako nung biglang may pumasok na idea sa isipan ko.

"Sumama ka sa'kin." Sabi ko at hinila siya.

Tiffany's POV

"Psst." Tawag sa'kin ni Jasmine.

Tumingin ako sa kanya at binigyan siya ng 'What-do-you-want' look.

"Look!" Sabi nito at tumingin dun sa dalawa na palabas ng office.

"Oh my gosh!" Sabi ko at napatakip ng bibig. "Baka naman uutusan lang." Bawi ko agad at tumingin ulit sa salamin. Ang ganda ko talaga.

"Kahit hawak ni Director ang kanyang kamay?" Natigilan ako bigla nung marinig 'yun.

"Aish, hindi yun! Alam ko ang mga tipo ni Boss. Hindi mababa ang kanyang standard pagdating sa mga babae no." Sabi ko at inirapan siya. Wala namang nagawa si Jasmine at nanahimik nalang. Dapat lang, tss.

Kari's POV

Narito kami ngayon sa rooftop ng building. Nakaupo lang ako habang si director naman ay may kung anong kinukuha sa kanyang bag.

"Finally!" Sabi niya nung makuha niya na ang hinahanap niya. Lumapit siya sa'kin at binigay ang papel na hawak niya.

"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko.

"Basahin mo sa akin." Tipid niyang sagot.

Nagtaka naman ako kung bakit kailangan ko pang basahin ito sa kanya. Gayon pa man, ginawa ko parin yung pinagagawa niya.

"Good morning, I am here to present to you.." Sabi ko habang binabasa ang papel na binigay niya.

Sinundan niya naman lahat ng sinasabi ko. Pfft. Para akong nagtuturo sa bata. Ang cute niyang tingnan.

Tumingin siya sa akin matapos niyang sundan ang sinabi ko. Tinitigan niya lang ako. Hindi ko rin mapigilang tumitig sa kanya. Fudge, nakakatunaw ang mga tingin niya.

"..what's next?" Nakakunot noo niyang tanong.

Nagsitaasan lahat ng dugo ko sa mukha nung kinausap niya ako. Hinihintay niya lang pala ang susunod kong sasabihin. Aist.

Pinagpatuloy ko lang ang aking ginagawa habang sinusundan niya naman ang lahat ng aking sinasabi.

Natapos naming basahin ang lahat nang nakasulat sa papel.

"Sir, para saan po ba yung pinabasa nyo sa'kin?" Nagtataka kong tanong.

"Presentation." Maikli niya namang tugon.

"Presentation? K-kailan po 'yun sir?" Tanong ko ulit.

Wala namang nababanggit sa amin si manager tungkol dito.

"This coming friday.." Sabi nito at tumingin sa'kin. "Gusto mong makabawi diba?" Tanong niya.

Tumango lang ako.

My Boss is a High Schooler?! [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon