Chapter 10: It begins with..

396 83 3
                                    

Kari's POV

Nagising ako bigla nang tumunog ang alarm clock sa side table ng kama ko. Tiningnan ko kung anong oras na..

5:00 am palang. Tutulog nalang ulit ako.. Maaga pa naman.

Ipipikit ko na sana ang mata ko nung may maalala ako.

"Fudge!" Sambit ko nung maalala kong magkikita kami ngayon ni director.

Agad na akong naligo at nagbihis nang aking isusuot. After kong gawin ang daily routine ko, hinanda ko naman ang kailangan ni KC bago siya pumasok sa school.

Nag-iwan ako ng note at dinikit sa ref. Umalis na ako pagkatapos kong gawin ang lahat ng kailangan kong gawin.

Pagkarating sa company, agad akong tumakbo papasok sa elevator at pinindot ang 15th floor. Pagkarating sa office, saglit akong huminga ng malalim at saka pumasok sa director's office.

"Good morning sir!" Sigaw ko pagkapasok na pagkapasok ko.

"Huh?" Sambit ko nung namalayan kong wala pang tao sa loob.

Teka, 6:00 am na diba? Bakit wala pa siya?

Tiningnan ko sa wall clock sa office kung anong oras na. And to my suprised,

5:00 am palang?!!

Fudge. Advance akong masyado sa usapan. Naalala ko bigla yung kahapon bago ako matulog,

"Hmm, hindi ako sanay gumising ng maaga kaya iaadvance kita ng isang oras." Sabi ko habang pinipihit ang likod nang alarm clock.

After kong gawin yun, natulog na ako. Haist! Ano pa nga bang magagawa ko?

Anyway, bukas ang building 24/7 kaya we can go here whenever we want.

Umupo ako sa sofa. Hmm, ang lambot. Naalala ko nung sabay kaming kumain dito ni director. Nakakatuwa dahil first time ko na may nag-alok sa'kin ng pagkain.

Makalipas ang ilang saglit, naramdaman ko na naman ang antok. Hindi.. hindi ako pwedeng matulog. Dadating nasi director maya-maya lang. Tiningnan ko ulit ang oras. 5:10 am?

Sige na nga, matutulog lang ako saglit. Sandaling sandali lang naman. Humiga muna ako sa sofa at natulog.

Red's POV

*Kriiing! Kriiing..*

Anubayan! Ang aga-aga nambubulabog kang alarm clock ka! Suntukan nalang tayo, ano?!

Tumayo na ako sa higaan ko nung mapagisip-isip kong may practice pala ako ngayon.

As usual, ginawa ko ang daily routine ko. After kong maligo, nagbihis narin ako.

Umalis ako sa bahay nang wala man lang paalam sa mga magulang ko. Oh diba? Napakabait kong bata? Haha.

Napadaan ako sa isang convenience store. Bumili muna ako ng pwedeng makain dun baka kasi hindi parin kumakain si Ms. Kari.

After kong bumili, dumiretso na ako sa company. Pagkarating dun, naabutan kong patay pa ang mga ilaw. Wala pa s'ya siguro.

Pumasok na ako sa aking office. Pero nagulat ako nung makita siyang nakahiga sa sofa. Lumapit ako para sana gisingin siya kaso napansin kong antok na antok pa siya.

Tiningnan ko kung anong oras na, 5:40 am. May 20 minutes pa before mag 6, hahayaan ko muna siyang matulog.

Umupo muna ako saglit at tiningnan muli ang nakasulat sa aking papel. Apat pang paragraph ang kailangan kong sauluhin kaya dapat mamemorize ko na 'to ngayon.

My Boss is a High Schooler?! [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon